author
stringclasses
34 values
sentence
stringlengths
10
1.44k
Aurelio Tolentino
int64
0
1
Jose N. Sevilla
int64
0
1
Mariano Sequera
int64
0
1
Jose Maria Rivera
int64
0
1
Juan Serrano
int64
0
1
Engracio L. Valmonte
int64
0
1
Andrés Pascual
int64
0
1
Fr. José Rodriguez
int64
0
1
Joaquín Tuason
int64
0
1
José Morante
int64
0
1
Patricio Mariano
int64
0
1
Apolinario Mabini
int64
0
1
Balbino B. Nanong
int64
0
1
M. Lucio y Bustamante
int64
0
1
Pura Medrano
int64
0
1
Honorio López
int64
0
1
José Rizal
int64
0
1
Cleto R. Ignacio
int64
0
1
Pascual de Leon
int64
0
1
Pilar J. Lazaro Hipolito
int64
0
1
G. B. Francisco
int64
0
1
Angel De los Reyes
int64
0
1
José R. Francia
int64
0
1
Hermenegildo Cruz
int64
0
1
Fausta Cortes
int64
0
1
graf Leo Tolstoy
int64
0
1
Modesto de Castro
int64
0
1
Francisco Balagtas
int64
0
1
Sofronio G. Calderón
int64
0
1
Juan Lauro Arsciwals
int64
0
1
Rosauro Almario
int64
0
1
Juliana Martinez
int64
0
1
S. A. D. Tissot
int64
0
1
Ismael A. Amado
int64
0
1
Aurelio Tolentino
ang usisa ng capitan. ako po, ang sagot ng isang kawal na kaharap. ano ang kaniyang kasalanan?, ang ulit ng capitan. siya po ang nagnakaw kagabi ng mga hiyas at buhok sa bahay ni .consuelo jimenez. ang buhok po ay lumitaw na, at kaniyang ipinagbibili: narito po. at ibinigay ng kawal ang buhok sa capitan. saan mo kinuha ang buhok na ito? ang tanong ng capitan kay maring. ang buhok pong iyan ay akin, ang sagot ni maring. oo nga at iyo, ang ulit ng capitan; nguni', saan mo kinuha? sa ulo ko po, ang tugon ni maring. saka inialis ang kaniyang panyo sa ulo. biglang namangha ang lahat na kaharap. maliwanag ang katunayang ang buhok ay hindi nga nakaw. ang kulay at putol nito ay kaisa at kaakma ng may mga isang dangkal na naiwan sa ulo ni maring. tiningnan ng matang nanglilisik ng capitan ang kawal na dumakip kay maring, at isinauli sa kaawa awang babayi ang kaniyang buhok. sino ang pumutol ng iyong buhok?, ang tanong ng capitan kay maring. ako po, ang sagot nito.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
bakit mo pinutol?, ang ulit ng capitan. ipinagbibili ko po, ang tugon ni maring: ako'walang sukat na maipakain sa aking mga anak. umuwi ka na at ipagbili mo, anang capitan. at papaano po itong mukha kong nagputok?, ang tanong ni maring. ikaw ay nakaganti na, ang sagot ng capitan, sapagka'binulag mo naman ang sa iyo'pumalo. hindi po kailangang ang siya'mabulag man, ang tutol ni maring, sapagka'ako'kaniyang tinampalasan, nguni'pinapagputok niya ang aking mukha, gayong ako'walang munti mang kasalanan. tunay nga, ang pakli ng capitan, at dahil dian ay asahan mong mapaparusahang lahat ang mga lumapastangan sa iyo. si maring ay nagpa alam, muling pinanyuan ang kaniyang ulo, matuling lumabas sa kuartel at napatungo sa dako ng simbahan. siya'lumapit sa isang tindahang bayan. baka po ibig ninyong bumili ng buhok? tingnan po natin, ang sagot nito. ibinigay ni maring ang buhok. nagdumami ang mga nanonood na tao. karikit na buhok!, anang isa.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
at mahaba, ang salo ng isa pa. mainam nga sana, ang katlo ng may tindahan, nguni'buhok ng patay. iyan po'buhok ng buhay, ang tutol ni maring. buhok nga ng patay, anang isang babaying nandoon. at sino ang buhay na puputol ng ganiyan kagandang buhok? ibig na sanang sabihin ni maring na iyon ay kaniyang buhok, nguni'doon ay maraming tao, at ikinahihiya niyang ipakita ang kaniyang ulong gapas. siya'umalis at humanap ng ibang tindahan nguni'gaya rin ng una, ay siya'pinagkulumutan ng maraming tao, at sinabi nilang iyon daw ay buhok ng patay. hindi nila makayang paniwalaan na ang isang babaying buhay ay magputol ng gayong karikit na buhok. umalis na naman si maring, datapuwa'biglang sumagi sa kaniyang bait ang nagugutom na iniwang anak sa bahay, kaya'agad nagbalik sa tindahang pinangalingan. gaya rin kangina, ay nagdumami ang mga tao. hindi po buhok ng patay ang aking ipinagbibili, aniya ito po ay buhok ng buhay, at ang katunayan ay narito. inalis ni maring ang panyo sa kaniyang ulo.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
naghalakhakan ng tawa ang mga taong nandoon pagkakita nila sa ulong gapas ni maring. inakala nilang ito ay ulol. palibhasa'nakikita nilang si maring ay na sa malaking kagipitan, kaya binabaratan ang halaga ng kaniyang buhok. talagang gayon sa buhay na ito: kung sino na nga ang nalulunod, ay siyang lalong pinagdidiinan. sa dalawang puong piso man ay mura pa ang buhok ni maring, nguni'natawaran lamang ng dalawang piso. ng makita niyang ayaw ng sumulong ang tawad, ay ibinigay na niya sa nasabing halagang dalawang piso. siya'bumili ng tinapay at mantequilla, halos tumatakbong umuwi ng bahay at kanyang pinakain ang mga batang gutom. ang capitan ng pulis ay tumupad sa kaniyang pangako. ikatlong araw ay nangatiwalag sa kanilang tungkulin, ang kawal na dumakip kay maring at ang nabulag na sargentong nagpaputok ng kanyang mukha. may balitang ang sargentong ito, ng wala ng makain, ay namuhay sa mga gubat at nanulisan.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
isang lingo pa lamang ang lumipas, si maring ay wala na namang maibili ng pagkain. ang kaniyang mga anak ay nagiiyakan ng gutom. wala nang mahirap kalabaning gaya ng mga bata. hindi nila nalalaman ang kahirapan, at walang taong may matigas na loob na makalalaban sa kanilang daing. ang kalaban ni maring ay dalawang batang lalaking kalikut likutan. si maring ay nakalaban sa isang mabangis na sargento; at kasalukuyang lumalaban sa salot ng kahirapan, nguni'siya'hindi mandin makalaban sa hibik ng dalawang batang humihingi ng pagkain. sa likot ng mga bata, ay kinuha ang santo cristo sa dambana at pinagbali bali nila. dinatnan ni maring na kagat ng bunso ang isang paa ng nasabing santo cristo. bakit sinira ninyo ang santo cristo?, ang tanong ni maring sa mga bata. ako'nagugutom, ang sagot ng matabil na bunso, kaya kinakain ko ang kaniyang paa. si maring ay parang tinarakan sa puso.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
kinuha niya ang bali baling santo cristo, pinulot sa sahig ang mga paa at kamay na natanggal, iginapos sa cruz at muling ipinako. sa lagay na iyon ni maring ay kahalintulad ng mga judiong nagpako kay cristo; ang kahigitan lamang ni maring, bukod sa ipinako niya ang kaniyang cristo, ay binilibiran pa ng gapos na kawad sa cruz, buhat sa paa at sa kamay hangang liig. si maring ay nanaog, dala ang kaniyang santo cristo, at ipinagbibili sa mga bahay bahay. ngayon naman ay siya'tulad kay judas. ang kaibhan lamang ay ang pagbibili nito kay cristo sa halagang tatlong puong salapi; datapuwa'ang cristo ni maring ay mura at ipinagbibili lamang sa halagang isang salapi . at sa halaga mang ito ay wala pang makabili, sapagka'ang cristo ni maring ay cristong nagkapilay pilay, cristong nagkabali bali ang mga kamay, paa, baiwang at liig. si maring ay napatungo sa divisoria at doon niya ilinako ang kaniyang santo cristo.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
siya'nasagasaan ng isang nagtutumuling may pasang batulang, tumapon ang santo cristo sa bato at gumulong sa putik. pinaliguan ni maring sa grifo ang kaniyang santo cristo, at pagkatapos, ay nakita niyang tapias ang ilong, bungi ang labi at bulag ang mata. caawa awang santo cristo! sa lahat ng santo cristo sa sanglibutan ay malaki ang pinagdaanang hirap ng santo cristo ni maring. siya'may natanawang isang kamatis na sirang nakatapon sa pangsol (canal) sa tabi ng kabiak na tinapay. maliksi niyang dinampot kapuwa, tinakpan ng mangas ng baro ang kaniyang bibig, saka minsang isinubo ang kamatis. siya'nahihilo na ng gutom. anyo na namang isubo ang tinapay, nguni'biglang natigilan, iniurong ang kaniyang kamay sa bibig at isinilid ang tinapay sa lukbutan. naalala niya ang kaniyang mga anak, at ang tinapay ay itinira sa kanila. nadaanan niya ang matong ng layak.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
matuling linapitan ni maring, dinampot ang isang sirang bayabas na doo'kaniyang nakitang nakatapon; nguni'siya'biglang itinulak ng isang sanitario, inagaw nito ang bayabas sa kamay ng kaawa awang babayi, muling itinapon sa matong, at siya pa'pinagbantaang dadalhin sa kuartel. si maring ay tumangis, hindi dahil sa siya'nasaktan, kundi dahil sa bayabas na hawak na niya'sinambilat pa sa kaniyang kamay. inagaw sa akin ang bayabas, aniya sa sarili, at ibinigay lamang sa matong ng layak. mahal pa kay sa akin ang matong na iyan! mawiwika marahil ng ginoong bumabasa na si maring ay hindi dapat dumanas ng gayong kalaking hirap, sapagka'dito sa filipinas ay marami ang madudulugan at mahihingan ng pagkain, damit at iba pa. nguni'ano kaya ang magagawa natin, kung si maring ay siyang aayaw manghinging talaga? si maring ay dala na.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
at bukod sa kasamaan ng kapwa tao na kaniyang dinanas, na walang ibang adhika kundi ang siya'paglaruan, ay siya'may katutubong mataas na loob, maramdaming dangal at matibay na pananalig sa lakas niyang sarili sa laot ng kahirapan. ang mga taong gaya ni maring ay maaaring mangamatay ng gutom, nguni'hindi maaaring kailan pa man ang sila'sumuko sa magdarayang biro ng buhay. si maring ay nagtuloy sa sadsaran (muelle) at doon naman inilalako ang kaniyang santo cristo. makapal ang taong umahon, galing sa isang sasakyang bagong dating. si maring ay sumalubong. bilhin na po ninyo itong santo cristo, aniyang sumisigaw. siya'biglang niyakap ng isang lalaking payat, maputla at susuray suray. maring!, anang lalaki. siya'liningon ni maring, at. !, ang kaniyang matalim na sigaw, at biglang hinimatay. si maring ay madaling isinakay ni gonsalo sa isang calesa at saka siya inuwi ng bahay. ng mahimasmasan si maring ay na sa kandungan siya ng kaniyang asawa sa kanilang bahay.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
asawang mairugin si gonsalo ay nangaling sa hawaii. malubha ang sakit, at walang dalang salapi kundi ang lilimang pisong napag arimuhanan niyang inawas unti unti sa kaniyang pamumuhay doon, sa loob ng mahigit sa isang taong di kawasang pagod. siya'naka uwi dito, sapagka'ang isa niyang kaibigang magdaragat ay siya'lihim na pinapasok sa sasakyan, ng ito'malapit ng tumulak. si gonsalo ay bumaon sa bunton ng uling na bato at ng sila'malayo na sa hawaii at saka pa lamang umahon sa kaniyang libingan. ng siya'makita ng capitan sa sasakyan ay siya'nakagalitan ng di gayon lamang, nguni'wala ng mangyari at siya'nakasakay na, lalo'hindi naman mangyaring patalunin siya sa dagat, at lalong hindi mangyari ang dahil lamang sa kaniya ay ibalik pa sa hawaii ang sasakyan. dahil dito, ay nagtuloy ng paglalayag at si gonsalo ay kasama.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
pagdating sa hongkong ay siya'pinalunsad, nguni', gaya rin ng una, sa pamamagitan ng isa niyang kaibigan ay siya'lihim na nakapasok sa isang sasakyan at siya'nagtago sa kinalalagyan ng mga baka, at doo'hindi siya lumabas hanggang di sumadsad dito sa maynila. kaya baga ma'anong hirap, si gonsalo ay nag pumilit umuwi dito, ay dahil nararamdaman niyang malalagot ang kaniyang hininga sa malaking hirap na naranasan sa hawaii, ay ninais niyang makita muna, kahit sandali bago siya mamatay ang kaniyang sinisintang maring at pinakamamahal na dalawang anak. sa makatuwid, ang dalawang batang alaga ni maring ay nadagdagan pa ng isang may malubhang sakit. si maring ay pumasok na alila sa isang babaying americanang naninirahan sa ermita. pinagkasunduan nilang si maring ay tatangap ng walong pisong bayad sa bawa'buan, nguni'siya'darating ng ika ng umaga sa bahay ng kaniyang panginoon at sa ika ng gabi saka lamang siya uuwi ng bahay.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
ang anak na panganay ni maring ay mahigit na sa limang taong gulang, at ito ay siyang sumisiyasat sa kaniyang ama at sa kaniyang kapatid na bunso. sa pagkapa alila ni maring ay doon nakita ang kaniyang saganang kasipagan. madaling araw pa'nagbabangon na'sinisiyasat ang asawang may sakit, ang dalawang anak, at ang boong pamamahay na iiwan sa habang maghapon. pagkatapos ay siya'matuling susugod sa ermita. nagbubukang liwayway kung siya'dumating sa bahay ng kaniyang panginoon. pagdaka'sisiyasatin na niya ang pagkaing agahan. ang mga cubiertos, pingan, vaso, serbilyeta at iba pang gamit sa pagkain ay pawang maayos at malinis na lahat.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
bago magising ang kaniyang panginoon ay siya'nagbabantay na sa tabi ng pinto ng kaniyang silid, pagtawag sa kaniya, saka pa siya papasok, ihahanda ang kaniyang hilamusan, hihiluran niya sa likod at sa bisig, huhugasan ang kaniyang mga binti at paa, susuotan niya ng medias, pakikintabin ang kanyang mga botitos, saka isusuot sa paa ng kaniyang dakilang poon, tutulungan pa niyang magbihis at magsuklay ng buhok, pagpapalain ang nalukot na hihigan. paglabas ng kaniyang panginoon, at samantalang ito ay kumakain, si maring ay nakatayo sa kaniyang harapan, upang sa kahit ano man lamang munting kailangan ay siya'maliksing makapangasiwa. pagkatapos nito saka pa lamang siya kakain sa tira ng kaniyang panginoon, malalaki ang subo hindi dahil sa siya'gutom, kungdi dahil sa siya'nagmamadali, at ibig niyang agad magawa ang lahat ng bagay na dapat niyang siyasatin. bago pa lamang nakaiinom ng tubig ay kaniya ng hawak ang walis at linilinis ang buong bahay.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
bago manaog ang kaniyang panginoon ay siya'binibigyan ng pisong maipamili ng pananghalian at hapunan. pag alis ng kaniyang panginoon ay kukuskusin na ng basahang may pitroleo ang sahig ng bahay, pagkatapos saka niya bubulihin ng basahang tuyo, matuling gumagapang upang madaling kumintab na anaki'salamin. sa gayong kalaking bahay nabubuli ni maring sa loob ng sandali. doon ay walang ibang alila kungdi si maring. pagkatapos at saka lilinisin at aayusin ang lahat ng kasangkapan. isa isang inilalagay sa kani kaniyang dapat kalagyan. didiligin pa ang maraming halaman ng kaniyang panginoon. kung matapos ito ay saka pa siya mamimili ng pagkain. sisiw, ibon, isda, karne ano man kayang pagkaing masarap at mura, huwag na di magkasiya lamang ang dala niyang piso.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
pagdating ng kaniyang panginoon ay susuyuan niya sa pagkain, at pagkatapos ay kaniyang susundan sa silid, aalisin ang kaniyang botitos sa paa at ang kaniyang bihis sa katawan, saka pa siya kakaing nagmamadali upang muling makapasok sa silid at mapaypayan ang kaniyang panginoon. kung ito ay nakakatulog na, at saka pa liligpitin ang kinanan, at pagkatapos ay kukunin naman ang may kasiraang damit at susulsihan. sa ika ng hapon ay magigising ang kaniyang panginoon, at gaya rin kaninang umaga, ay tutulungan niyang magbibihis, magsuklay ng buhok, at susuotan pa ng butitos at hindi hinihiwalayan hangang di manaog at pumasok sa kaniyang pangasiwaan. pag alis nito, ay bubulihin na naman ni maring ang sahig, hangang hapon, saka pa sisiyasatin ang pagkaing hapunan. si maring ay siya pa ang utusan sa lahat ng dako. at ang lalo pang pagod ni maring ay kung magsidating ang mga panauhin ng kaniyang panginoon.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
siya ang tanging utusan sa pagkuha ng sari saring alak, pulutan, matamis, kung saan saang almacen, at kung sila'lango na, ay palagi pa siyang namumura. ang lahat ng ito ay pinagtitiisan ni maring, alangalang sa kaniyang asawang nakaratay sa banig at sa kaniyang dalawang anak na mumunti. ang kaniyang panginoon ay isang babaying americanang hindi pangit at hindi naman maganda: kainaman lamang, datapuwa'maayos magbihis at bantog sa kalinisan ng kaniyang puri. gayon pa man ay madalas makita ni maring, na siya'nakikipagsarilinan sa silid sa kung sino sinong mga lalaking dalaw na kaniyang kaibigan. doon sila nag iinuman ng alak, doon ang malakas na halakhakan ng tawa, mamaya'biglang tahimik, mamaya'bigla na namang kaingayan tawanan. nguni'ang lahat ng ito'walang ano mang masama: talagang ang gayong kaugalian ay karaniwan daw sa lahi ng kaniyang panginoon. isang gabi, ito ay nagkaroon ng panauhin. isang lalaking anaki'supling ng mga higante sa taas at laki ng pangangatawan.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
ang kaniyang mukha'kasingpula ng kamatis na hinog. anim ng botelyang cerveza ang kaniyang nainom, bukod pa ang dalawang botelyang wisking kasalit. pagtugtog ng ika ng gabi sa relos, si maring ay nagpaalam sa kanyang panginoon, nguni'ang panauhin ay siyang sumagot. huwag ka munang umalis, aniya, sapagka'wala kaming mautusan dito. hindi po mangyayari, ang sagot ni maring. bakit hindi?, ang tanong ng panauhin. sapagka'ang asawa ko po ay nakaratay sa banig, ang tugon ni maring, bukod sa ako'may dalawang anak na maliliit na naghihintay sa akin ngayon sa bahay. lalo nang hindi mangyayari ang kami ay iwan mo ngayon, ang ulit ng panauhin. ikaw ay aming kailangan sa boong magdamag. hindi po mangyayari, ang tutol ni maring. ako po'paalam na. si maring ay anyong aalis, nguni'siya'hinawakan sa kamay ng panauhin. ang panginoon ni maring ay humahalakhak ng tawa. ako po'bitiwan ninyo, ani maring sa panauhin.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
huwag kang umalis, sapagka'ikaw ay aming kailangan, ang pilit nito, saka kinaladkad si maring at ipinasok sa silid. si maring ay lumaban. siya'niyakap ng panauhin at biglang inihampas sa sahig. si maring ay nabuwal; at sa pagkabigla ay nagputok ang kaniyang ulo sa dakong likuran. sa gayong kalagayan ay siya'kinababaw noong taong malaki: siya'ibig gawan ng mahalay, nguni'sa sandaling yaon ay naala ala ni maring ang kaniyang lanseta sa lukbutan, madaling dinukot, lihim na binuksan at biglang tinarakan sa dibdib yaong lalaking namimilit. ito ay napasigaw ng malakas. mamamatay ako!, aniya at binitiwan si maring. naglawa sa sahig ang dugo. dumalo ang panginoon ni maring at siya'anyong hahawakan, nguni'si maring, kaisang liksi ng kidlat, ay lumukso at nagtaanan. sa kaniyang pagmamadali ay siya'nahulog sa hagdanan, nguni'hindi tumigil kaunti man. paglagpak niya sa lupa, ay maliksing tumindig at tumakbo. siya'nakatagpo ng isang calesang walang laman. tinawag niya at sinakyan.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
sa tundo, aniya sa cochero. ang kabayo ay matuling tumakbo. ng ang calesa'papaakyat na sa tulay ng espanya, ay nasagasaan ng isang trambia. ang calesa ay tumapon at nagiba, ang cochero ay nasugatan sa mukha, nguni'si maring ay hindi naano. pagdaka'lumapit sa kanila ang isang amerikanong pulis, at sila'dinaluhan ng maraming tao. napagmasdan ng pulis ang damit ni maring, tigmak ng dugo. yao'dugo noong malaking americanong kaniyang tinarakan sa bahay ng kaniyang panginoon. nasugatan ka ba?, ang tanong ng pulis kay maring. opo, ang sagot nito. tingnan ko ang iyong sugat, anang pulis. si maring ay nanginig ng takot, sapagka'siya'hindi nasugatan. saan nandon ang iyong sugat? ang ulit ng pulis. narito po sa loob, ang sagot ni maring. ipakita mo, anang pulis. hindi po maaaring ipakita ko, ang tugon ni maring, sapagka'narini sa loob. malubha baga ang sugat mo at ganiyan na karami ang dugo sa iyong damit? ang usisa ng pulis. malubha nga po kung kaya ako'tigmak ng dugo, ang tugon ni maring.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
kung gayon, anang pulis, ay sumama ka sa akin sa hospital. si maring ay lalo pang nanginig ng takot. inakala niya na kung siya'sasama sa hospital, at doo'makitang siya'walang sugat ay sapilitang uusisain kung bakit tigmak ng dugo ang kaniyang damit, at dahil dito ay walang salang di nila malalamang siya ang tumarak sa dibdib noong amerikanong iniwan niyang naghihingalo marahil sa bahay ng kaniyang panginoon. ang pulis ay lumapit sa isang telefonong na sa malapit na haligi sa daan, at siya'humingi ng isang carro ambulante . ang sandaling yaon ay sinamantala ni maring at siya'matuling nagtaanang umakyat sa tulay ng espanya. siya'hinabol ng pulis at siya'anyong abutan sa kalagitnaan ng tulay. pagkakita ni maring na siya'dadaklutin na lamang ng pulis, ay maliksing sumampa sa gabay ng tulay at lumukso sa ilog. ang americanong pulis ay lumukso rin at siya'hinabol sa tubig.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
sa mga sandaling yaon ay bumabaha ang ilog pasig, kaya'ang mabilis na agos na sinasagabalan ng tulay ng espanya ay dumaragundong at namimilipit sa pagpupumilit malampasan yaong makakapal na haligi ng nasabing tulay. palibhasa'kinagisnan ni maring ang pamamalakaya, kaya'siya'malakas lumangoy. ang pulis ay linulon ng isang malaking uli uli at nalunod. datapuwa'si maring ay lumaban sa dumaragundong na tubig, at sa kalalangoy, at sa kasisisid, ay siya'nakarating na walang nakamalay sa kaniya sa sadsarang may hagdanang batong malapit sa tapat ng bahay ni yangko. siya'umahon at matuling lumakad. namimili ng madaanang madilim, upang siya'makubli sa liwanag ng mga ilaw sa lansangan. siya'nakarating sa kanilang bahay, nangangapos ang hininga sa pagod. ako'nakamatay ng tao, aniya kay gonsalo. bakit?, ang gulat nito. ako'pinagnasaang gawan ng mahalay ng isang amerikano, ang dugtong ni maring, kaya'siya'aking tinarakan ng lanseta sa dibdib. si maring ay madaling nagbihis.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
noon ding gabing iyon, si maring ay humanap ng banka sa pampang ng ilog at kaniyang inakay ang malubhang asawa at maliliit na dalawang anak. sino pa mang makakita sa anyo ni maring ay sapilitang mahahabag. sunong ang nakabigkis na banig, unan at tampipi ng damit, akay ng kaliwang kamay ang anak na bungso, kapit sa kaniyang saya sa dakong likuran ang anak na panganay, at si gonsalong halos hindi makagulapay ay nakasimbaba sa kaniyang balikat na kanan. ang sariling bangkang dinatnan nila sa pampang ng ilog ay tigib ng lulang talabang may balat. gayon pa man, ito'kanilang sinakyan, sapagka'doo'wala ng ibang bangka. doo'may iisang lalaking pinakiusapan ni maring upang sila'ihatid sa nayong baluarte, sakop ng bulakan. sa di masaway na galaw ng mga bata lalo na'ang bangka ay tigib ng talabang may balat, ito ay tumaob, noon pa namang siya'malapit ng sumadsad. gayon na lamang ang sama ng palad. hindi malaman ni maring kung sino ang unang sagipin sa kaniyang mga anak at asawa.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
palibhasa'siya'may buhay na kaisipan sa mga biglang panganib, ay agad niyang sinagip ang anak na bungso; ang panganay ay sinagip naman ng bangkero. si gonsalo ay lumubog na parang bato. pagkakita ni maring na si gonsalo ay wala, ay iniabot sa nasabing bangkero ang anak na bunso at pagdaka'sumisid. kinapa sa ilalim ng tubig ang kaniyang asawa, at ng kaniyang matuklasan ay niyakap, at biglang sumikad sa lupa, kaya'silang dalawa'lumitaw. ilangoy ninyo at ihahon sa pampang ang dalawang bata, ang sigaw niya sa mananagwan. halos hindi pa man natatapos ang kaniyang huling salita, ay muling lumubog na naman ang mag asawa, sapagka'si gonsalo ay nanguyapit sa liig ni maring. hindi makatulong kay maring ang mananagwan sapagka'dala nito ang dalawang bata at siya naman ay halos lumubog. dahil dito, ay pinag ubos ng mananagwan ang kaniyang lakas, at bahagya ng makagulapay ng siya'makaarok sa dako ng pampang. siya'madaling umahon, binitiwan sa lupa ang dalawang paslit at muling lumusong sa tubig.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
siya'sumisid sa kinalubugan ni maring at ni gonsalo. nakapa niyang nagkakayakapan ang dalawa sa ilalim. si maring ay hindi na mangyaring lumitaw pa, sapagka'mahina na ang kaniyang katawan, at hindi niya makayang dalhin ang nangunguyapit sa kaniyang liig. hinawakan si gonsalo ng mananagwan. ito'biglang sumikad sa lupa, kaya silang tatlo'lumitaw. si maring ay nakahinga. pinag ubos nito ang kaniyang lakas, at silang dalawa ng mananagwan ay pinagtulungang ilinangoy si gonsalo hanggang sa pampang. sila'umahon. si gonsalo ay hindi humihinga. doon ay may isang dampang tirahan ng isang matandang bantay palaisdaan. sila'nanuluyan sa matanda. si gonsalo ay binihisan, kinumutan at nagsiga sa silong ng bahay upang siya'mainitan, kaya'di nalaonan ay nanaguli ang kaniyang hininga. tinugis ng lisyang palad hindi lubhang malayo sa dampang tinuluyan nila maring ay may isang malaking palaisdaan, ari ng bantog na mayamang si capitang juan.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
si maring ay natangap na bantay sa palaisdaang yaon, kaya'sila'madaling lumipat sa kaniyang dampa. isang hapon, nagtatakip silim na, si maring ay sumasalap ng hipon, upang sila'may ulamin sa hapunan. dumating si capitang juan sa palaisdaan at lumapit kay maring. maring, aniya, labis mo ng nahahalata marahil ang maluwat ng mataimtim kong nais sa iyong kariktan. at yayamang ako'mayaman, ay ibig kong ikaw ay yumaman din naman. hindi po mangyayari ang inyong nais, ang sagot ni maring, batid po ninyong ako'may asawa. paka asahan mong walang makakaalam na sino pa man, ani capitang juan. mayroon po, ang tugon ni maring: ang maykapal at ako. ako'nahihiya sa maykapal at sa aking dangal na sarili. akalain mong si gonsalo ay may sakit, ang ulit ni capitang juan. kapag siya'namatay ay walang lilingap sa iyo at sa iyong mga anak. ako po naman ay may sariling lakas, ang pakli ni maring. kapag hindi nangyari ang aking nais, ang banta ni capitang juan, ay aalisin ko sa iyo ang palaisdaan.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
ari po ninyo ang palaisdaan, ang tahimik na sagot ni maring, at magagawa ninyo ang balang ibigin. kay tigas naman ng loob mo!, ang malambing na samo ni capitang juan at anyong yayakapin si maring. si maring ay umurong ng dalawang hakbang. capitang juan, ang nakangiting pakli ni maring: marahan at huwag po kayong mangahas. may mga babaying maamo pa kay sa inakay na kalapati, kung sila'hindi linalapastangan; nguni'kapag hindi iginalang ang kanilang karapatan, ay marurunong din namang manuka at mangamot na masahol pa kay sa lawin. si capitang juan ay napahiya, kasabay ng malaking galit na biglang sumilakbo sa kaniyang puso at utak. yaong bantog na capitang juan na hindi na halos mabilang ang mga babaying kaniyang nabihag; yaong capitang juan na may himalang titig na sa tuwi tuwi na'sinusukuan ng mga dalaga'babaying may asawang natitisuran sa paglakad ng kaniyang maligayang buhay, ay naroroon ngayon at pinangdidilatan at hinahamunan ng isang maralitang bantay palaisdaan.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
napakataas ng iyong pangungusap!, ani capitang juan. sa katwiran po lamang, ang sagot ni maring. ano bagang katwiran ang isinasatsat mo?, ang bulas ni capitang juan. magpasalamat ka'ikaw ay napiling naisin ng aking pita. panunghan mo ang iyong kaliitan, at tingalain mo ang aking kalakhan, saka ka magsabi kung. oh bulag na matanda!, ang sabat ni maring. paslang na mayaman! ang kaluluwa mo'kasing dumi ng salaula mong kalooban. hindi ka pa nasiyahan sa pamumutawi sa iyong mga labi ng mga salitang mahalay, laban sa marangal na ugali, at ngayon ay nag anyo ka pang lumapit sa akin, upang lapastanganin mo ang aking pagka babayi. akalain mong ikaw, sa gitna ng iyong masagwang kayamanan, ay maliit ka pa kay sa hanip nguni'ako, sa laot ng aking marangal na kadalitaan, ay kasinglaki ako ng kalinisan, ng karapatan at ng katwiran. at ang katunayan ay narito. dinukot ni maring sa kaniyang lukbutan ang isang lanseta, at dagling binuksan. ang talim nito ay kumislap.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
lumapit ka ngayon, ang dugtong ni maring. si capitang juan ay nangatal ng takot. ang katutubong tapang ng kaniyang puso at utak ay dagling bumaba sa kaniyang talampakan, at sa katunayan ay siya'mabilis na lumayas. ng siya'malayo na, at inakala niyang siya'hindi na aabutan ni maring, sakali mang siya'habulin, ay sumigaw ng malakas: iwan ninyo ang dampa ngayon din, aniya. si maring ay umuwi. dinatnan niyang nagkakaumpok ang tatlong mag aama. si gonsalo ay lumalakas lakas na nguni'hindi pa makalakad. gonsalo, ani maring, tayo'pinaaalis dito ni capitang juan ngayon din. bakit daw?, ang malumbay na tanong ni gonsalo. ewan nga, ang sagot ni maring. ipinagkaila ni maring ang dahilan, ala ala niya'baka lalong sumama ang loob ng kaniyang kaawa awang asawa. maluwat na di nakaimik ang dalawa. ngayong pinagmamasdan ni maring ang kaniyang dalawang paslit na anak at ang asawang may sakit, yaong puso niyang kasingtigas ng bakal ay naging marupok, at anaki'sasabog sa mariing hampas ng lisyang palad.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
at papaano tayo ngayon?, ang kahambal hambal na tanong ni gonsalo. tayo ay umalis dito ngayon, ang lalong kahabag habag na sagot ni maring. ang dalawang bata ay nangakatanga sa pakikinig sa salitaan. tila wari ibig nilang mataosan ang kahulugan ng usapan ng kanilang ama'ina; nguni'ang kanilang malalagong utak, ang kanilang maliliit na puso, ay wala pang kayang lumasap ng lasong handog sa kanila ng lahat ng bagay na nangyayari. at saan tayo titira ngayon?, ang lubhang malungkot na tanong ni gonsalo. si maring ay ngumiti, ngiting pilit, ngiting malumbay pa kay sa tangis, ngiting mapait pa kay sa apdo. malapad ang lupang matitirahan, aniya, at maaliwalas ang langit na masisilungan.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
ang lahat ng parang, gubat at bundok ay pawang nangaghahandog ng kamote, gabe, mga ubod, sari saring bungang kahoy, bukod pa ang maraming tikling at iba'ibang ibon at hayop; gayon din naman ang mga sapa, ilog at dagat, ay pawang nangaghahandog ng walang katapusang biyaya, gaya ng mga suso, kabibi, palaka at laksa laksang isdang hindi sukat maubos ng tao sa habang panahon. tunay na nga, ang pakli ni gonsalo, nguni'ako ay may sakit at. kaawa awa ka naman, maring! saka siya biglang napatangis. bakit?, ang masintahing tanong ni maring. kaawa awa ka naman, sapagka'ako'hindi makatulong sa iyo kaunti man, ang himutok ni gonsalo. tatay, anang matabil na bungso, ako ay tutulong sa inang ko. ako man, ang dagling dugtong ng panganay. ang malakas na sigaw ni gonsalo, saka niyakap na mahigpit ang dalawang anak. ako'mag aararo at magtatanim ng palay, ang ulit ng panganay. ako'mamamalakaya at ipagbibili namin ng inang sa bayan, ang dugtong ng di mapakaling bungso. !, ang matalim na sigaw ni maring.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
anong kaliliit ng aking mga anak!!! saka minsang niyakap ang tatlong mag aama. kakila kilabot na larawan! may mga larawang hindi mangyayaring dalubhasain ng lalong pantas na panulat. ang larawan nila maring, gonsalo at dalawang anak ay isa sa mga binangit. ang mag asawang maring at gonsalo ay sabay na tumangis. ang malalagong utak at maliliit na puso ng dalawang paslit ay nangahawa mandin sa hinagpis ng kanilang ama'ina, at sila'tinablan ng mapait na luhang dumadagisdis at pumapatak sa kanilang ulo, kaya sila ay nagsi tangis din. ang mag asawa at ang kanilang mga anak ay ayon at nagkakayakap at nagsisitangis na walang lubay. sila'parang binigkis ng lalong masaklap na kamatayan. ang silong ng bahay ay nabasa sa kadadagisdis ng kanilang luha. kaawa awang maring! ang sinumpaan man ng mga katalunan ay hanggan doon na lamang ang hirap.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
karamihan sa babayi ay nangapapala dahil sa kanilang kagandahan; nguni'si maring, sapol pa man sa una, sapol pa noong siya'agawin ni gonsalo, ay siya'tinugis na ng mababangis na ligalig, dahil lamang sa kaniyang hiwagang dilag. iwan natin ang kabanatang ito, sapagka'napakalumbay. ganting pala ng pagtitiis inakay na naman ni maring ang kaniyang dalawang anak at asawang may sakit. si gonsalo ay nabinat. sila'naparoon sa dampa noong matandang kaniang tinuluyan noong unang sila'dumating sa pook na iyon, at ipinamanhik ni maring sa kaniya na sila'ihatid ng bangka sa obando. ipinagtapat ni maring ang naging dahilan ng kanilang pag alis. ang matanda ay nahabag at pumayag sa pamanhik. hinakot ni maring ang kanilang banig, unan at tampipi ng damit, inilulan sa bangka, sila'sumakay at napatungo sa obando, sa dakong taliptip. ang bangka ay sumadsad at sila'napasalamat sa matandang sa kanila'naghatid. hindi pa nalaonan ang kanilang paglakad, ay sila'may isang kubong dinatnan.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
nagpataupo si maring, nguni'walang sumagot. siya'sumilip sa linib at ng makitang walang tao, ay ipinanhik ang kaniyang asawa'mga anak. ang kubong yaon ay parang inihanda kila maring. nagkaroon sila ng bahay na di pinagkagugulan ng salapi at pagod. lamang ay napakaliit at wasak pa. yao'kubong maluwat ng iniwan ng may ari. gayon pa man, si maring ay natuwa ng di mamagkano, at napasalamat sa maykapal. siya'naglatag ng banig, at pinatulog ang mga bata. palibhasa'hapo si gonsalo, kaya di nalaonan at nakatulog din. hating gabi at maliwanag ang buan. pagkakita ni maring na nakakatulog na ang kaniyang asawa at mga anak, ay siya'marahang nanaog at napatungo sa isang palaisdaang hindi lubhang malayo doon. tahak ni maring ang pasikot sikot ng pook na yaon, sapagka'noong buhay pa ang kaniyang nasirang ama ay sila'madalas na mamili ng isda doon. siya'napatungo sa bahay na tirahan ng bantay sa palaisdaan. bagama'hating gabi ay nakita niyang maliwanag sa loob ng bahay. siya'napataupo.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
dumungaw ang isang matanda at siya'pinapagtuloy. pagdaka'nakilala niya ang matanda sapagka'ito ay kaibigan ng kaniyang nasirang ama at ngayo'siyang may ari ng palaisdaan. ipinamanhik ni maring na siya'pahintulutan mangdukot ng alimango sa mga lunggang nangasa pilapil ng palaisdaan. ang may ari ay pumayag. sabihin pa kaya ang tua ni maring? may mga dalawang oras pa lamang siya sa palaisdaan, ay mahigit na sa apat na puo ang alimangong kaniyang nahuli. sa katapusan ay nasipit ng isang sakag ang kaniyang hintuturo. nabutas ang kuko at nadurog ang dulo ng kaniyang daliri. ang dugo'walang lubay na tumutulo sa kaniyang sugat; nguni'siya'masaya, sapagka'may dalang apat na puo'walong matataba at malalaking alimango. pagdating ng bahay ay tinalian ang kaniyang sugat, ginising si gonsalo at nagpaalam na umuwi ng bayan, upang ipagbili ang alimangong kaniyang nahuli. siya'nag iwan ng apat upang sila'may ulamin. nagbubukang liwayway na ng si maring ay umalis.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
ng siya'umuwi ay may dalang bigas, petroleo, ilawan, palayok, suklob, sandok, banga at asin. namaga ang kaniyang hintuturong may sugat at hindi na mangyaring siya'makapangdukot ng alimango. kinagabihan ay siya'nananglaw ng kanduro. kay tuwa ni maring! sasandali pa siyang nananglaw ay dalawang puo'anim na ang kaniyang nahuling ibon. nguni'sa kabila ng kaniyang tuwa, ay siya'nasubyang ng isang bubog na bumaon sa kaniyang talampakan ng kulang lamang sa isang dali ang lalim. tinalian ng panyo ang kaniyang sugat at umuwing titingkod tingkod. kinaumagahan, at pagkatapos naipagbili ang kaniyang mga nahuling ibon, baga man at masakit na lubha ang kaniyang paa, ay siya'bumili ng tubig na inumin, sinasalok niya ng banga sa mga bangka, at ipinagbibili sa bayan. ikaapat na balik, ay siya'natisod sa isang bato, naparapa at nabasag ang kaniyang banga. si maring ay umuwi ng bahay na gumigilid ang luha sa kaniyang mga pilikmata. naala ala niya ang kanilang bahay na iniwan sa nayon ng.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
siya'naparoon at ang bahay ay ipinagbili ng dalawang puo'limang piso. si maring ay magaling tumugtog ng alpa at lalo pang magaling manalindaw (magkanta). dahil dito ay siya'bumili ng isang alpa, umuwi ng bayan at siya'nanapat sa mga bahay na malalaki. may mga tatlong oras pa lamang na siya'nananapat, ay mahigit na sa piso ang kaniyang kinita. siya'masaya na sanang umuuwi, nguni'siya'nasagasaan ng isang mabilis na kalesa, nagulungan ang kaniyang alpa at nagkadurugdurog, saka nagputok ang kaniyang mukha sa pagkapasubasob. siya'tumangis na naman, hindi dahil sa siya'nasaktan, kungdi dahil sa pagkalansag ng kaniyang alpa. kinabukasan siya'bumili ng isang taga at pisi. gumawa siya ng isang baliwasan, at kinagabihan ay siya'napatungo sa ilog at namitmit. maliwanag ang buwan. noong gabing yaon lamang sinama si maring, at hating gabi na ay wala pang nahuhuling isa mang isda. kaginsa ginsa'lumapit kay maring ang isang lalaking may saluksok na revolver at sundang sa baywang.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
ang lalaking ito ay bulag ang isang mata, nguni'yaong isa niyang matang natitira ay katimbang mahigit pa kay sa dalawa, sapagka'lubhang malaki, matalas, madilat at halos nag aalab. pagkakita ni maring sa lalaking ito ay biglang nagulat at nanghilakbot. gayon pa man ay tinatagan ang kaniyang loob, binawi ang kaniyang dating lakas sa mga panganib at hindi nagpakita ng kaunti mang takot. nakikilala mo ako? ang tanong ng lalaki. oo, ang sagot ni maring. ikaw ang sargentong nagpaputok ng mukha ko sa kuartel ng pulis sa tundo. at ikaw naman, ang pakli ng lalaki, ang nagpaputok ng balintataw ng kanan kong mata. narito ang katunayan. itinuro ang bulag niyang mata. at yayamang ikaw ang siyang bumulag sa akin, ang dugtong ng lalaki, yayamang ako'natiwalag sa aking katungkulan dahil sa iyo, at yayamang kitang dalawa ay pinagtagpo ngayon ng mabuting kapalaran ay kailangang sumama ka sa akin, upang ako'damayan mo sa buhay at kamatayan. hindi mangyayari, ang matatag na sagot ni maring.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
bakit hindi mangyayari?, ang bulas ng lalaki. ang balang ibigin ko ay sapilitang mangyayari nga, sa mabuti at sa masama mang salitaan. inakala ni maring na labanan na naman ang kaniyang haharapin. iginayak niya ang loob at hinawakang mahigpit ang puno ng kaniyang baliwasan. si maring ay talagang matatag sa panganib. sumama ka sa akin, anang lalaki, kasabay ang paghawak sa kaliwang kamay ni maring. nguni'si maring, kasing liksi ng kidlat, ay biglang sinaksak sa mukha ang lalaki ng puno ng kaniyang baliwasan. napalaran niyang tinamaan ang matang hindi bulag, ito ay pumutok, lumabas sa dating kinalalagyan, kasabay ng bumulwak na dugo. sa makatuwid si maring ang siyang pinalad na bumulag sa kanang mata ng dulingas na sargento, at ngayon ay siya pa ring pinalad na bumulag sa kaniyang kaliwang matang natitira. ang lalaking may iisang bulag na mata, ngayon ay naging bulag ng lubos.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
binunot nito ang kaniyang rebolber, nguni'pinagubos ni maring ang kaniyang lakas, biglang binaltak ang kaniyang kamay na hawak ng lalaki, saka lumayo. ito'bumaril, nguni'hindi niya tinamaan si maring, sapagka'ang bumaril ay bulag. siya'muling binaril, nguni'ang punglo ay lalo pang napalayo sa binabaril. si maring ay nakapulot ng isang pidpid na kahoy, dahan dahang lumapit sa dakong tagiliran ng lalaki, saka pinalo ng ubos lakas sa kamay na may hawak ng rebolber: ito ay tumapon at pinulot ni maring. ang bulag ay pipihit pihit at hindi matutuhan ang tunguhan. siya'lalong nagalit, walang magawang paghihiganti. binunot ang kaniyang sundang at ngangapa ngapa sa hangin. muling pinalo ni maring sa kamay, at ang sundang ay umilandang sa malayo. pinulot din ni maring ang nasabing sundang. ang taksil na sarhentong nawalan ng mata, ngayon ay nawalan pa ring lubos ng sandata. ibig niyang magtaanan, nguni'hindi niya nakikita ang kaniyang tutunguhan. nagkataong nagdadaan doon ang mga kostabulario.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
pagkarinig nila sa dalawang putok ng rebolber, ay nangagtumulin at lumapit sa naglalabanan. si maring ay sumalubong sa pamunuan at talagang ibibigay sana sa kaniya ang rebolber at ang sundang, nguni'pagkakita sa mukha nito, ay biglang nahintakutan at anyong tatakas. ang pamunuang ito ay dili iba kungdi yaong malaking amerikanong tinarakan ng lanseta sa bahay ng kaniyang panginoong amerikana sa ermita. pagkakita ng pamunuang amerikano na si maring ay may anyong tumakas, ay hinawakan agad sa kamay. saan ka paparoon?, aniya. saka hinarap ang kaniyang mga kasamang kawal. dakpin ninyo ang lalaking iyan, aniya, sabay turo sa bulag. ang mga kawal ay nagsitupad sa utos. patawarin po ninyo ako, ang samo ni maring sa pamunuan. ikaw nga baga, ang tanong ng pamunuan, ang sumugat sa akin noong isang gabi, sa bahay ng isang americana sa ermita? ako nga po!, ang kahambal hambal na sagot ni maring. kung gayon ay huwag kang mag alaala, anang pamunuan. ikaw ay walang kasalanan.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
ipinagtangol mo lamang ang iyong dalisay na puri. ako ang siyang may kasalanan. noong gabing yaon ay ako'nalango at ikaw ay pinagnasaan kong lapastanganin. ibigay mo sa akin ang iyong kapatawaran. ang aking sugat ay maluwat ng gumaling. ngayon ay sabihin mong lahat sa akin ang nangyari dito. ang takot ni maring ay biglang napalitan ng pagkakatiwala doon sa americanong, sa akala niya'maluwat ng patay, at ngayon ay kumikilala ng kasalanang nagawa, bagama'nasugatan. sinalaysay ni maring ang pakikipaglaban niya sa bulag, magbuhat sa puno hanggang dulo. dumukot ang pamunuan ng isang kandila sa kaniyang lukbutan at tinanglawan ang mukha ng bulag. pinahiran niya ang dugong namamalisbis sa kaniyang mukha, pinagmasdang mabuti, saka tumango tango. dumukot pa rin sa kaniyang lukbutan ng isang larawan, saka iniyagapay sa mukha ng bulag. ito nga, aniya, at wala ng iba. isinama ang bulag, at gayon din si maring, sa kuartel heneral ng mga kostabulario. dahil dito, si maring ay muling kinabahan.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
ang kaniyang pagkakatiwala sa americano ay muling napalitan ng takot, gulat at hapis. inasahan niyang siya'mabibilanggo, lalu na'ang kaniyang sinugatang americano ay pamunuan pa naman. katakataka! kinabukasan ng umaga, si maring ay umuwi sa kaniyang kubo. masaya pa kay sa pasko. siya'may dalang salaping papel na halagang dalawang libong piso. nangdidilat ang mga mata ni gonsalo pagkakita sa gayong karaming salapi. nangatal ang buo niyang katawan. saan nangaling ang salaping ito?, ang kaniyang tanong. kagabing ako'namitmit, ang tugon ni maring, ay hindi ako nakahuli ng kahit isang munting isda. ang nahuli ko ay isang bantog na tulisan. ang gilalas ni gonsalo. oo, ang sagot ni maring, isang bantog na tulisan. nalalaman mo kung sino? dili iba kungdi yaong kakilakilabot na tulisang nagpapamagat na bulag. ang biglang tanong ni gonsalo. ang bantog na bulag na kilabot nitong buong lalawigan, ang ulit ni maring.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
ang tulisang ito ay dili iba kungdi ang sargentong nagpaputok ng mukha ko sa kuartel ng pulis sa tundo, ng ikaw ay na sa hawaii pa. dahil sa ginawa niyang kapaslangan sa akin ay siya'natiwalag sa kaniyang katungkulan, at ng naghirap na ang kaniyang buhay ay siya'nanulisan, at sapol pa noon ay ipinagbayad na siya ng pamahalaan ng dalawang libong piso sa sino mang makadakip makapagturo ng kaniyang kinaroroonan. ang salaping ito ay ganting palang bigay ng pamahalaan sa akin, sapagka'ako ang nakadakip sa nasabing bantog na tulisan. sinalaysay ni maring ang lahat ng bagay na nangyari sa kaniya, tungkol sa pamunuang americanong kaniyang sinugatan. si gonsalo ay nabinat sa malaking tuwa. iniuwi ni maring sa maynila ang kaniyang mga anak at si gonsalong kaniyang asawa, tuloy ipinagamot ito sa lalong magagaling na mga doctor. marami ang kaniyang iginugol na salapi, nguni'si gonsalo ay hindi gumaling, at di naluwatan ay namatay. pagkatapos ng pagluluksa ni maring, ay kaniyang nabalitaan na si .
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
eduardo ay nakukulong sa san lazaro, sapagka'siya'naulol magbuhat niyaong gabing kanyang makausap. si maring ay dumalaw sa san lazaro, at pagkakita sa kaniya ni . eduardo, ito'lumukso at si maring ay niyakap. salamat sa iyo, maring! anang ulol. ang dating nagkakasintahan ay sabay na tumangis. sapol pa noon ay gumaling si. eduardo sa pagkasira ng kaniyang katalinuhan, at silang dalawa ni maring ay napakasal. natipon ang kayamanan ni. mahigit sa limang pung libong piso, pati ng kaniyang dalawang malalaking bahay. sila'hindi nagkaroon ng anak, nguni'kinilala ni. eduardo ang dalawang anak ni maring, na parang tunay din niyang anak. sila'namuhay na mahabang panahon sa laot ng saganang kayamanan at dangal. ang panganay na anak ni maring ay nag aral sa pag aabogado at ang bungso ay sa pag dodoctor sa pangagamot. ang lahat na kahirapan at pagtitiis ni maring ay napalitan ng di mamagkanong biyaya at kaligayahan, hanggang sa oras ng kaniyang kamatayan.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
kung ang mga nobelang tagalog na sinulat ni aurelio tolentino ay siyang kinasasaligan ng lalong maririkit na kasaysayan at buhay ng ating lahi, ay bakit di basahin at namnamin sa madaling panahon? at wala ng napakamura, nguni'napakamahalagang gaya ng mga nasabing aklat. sa pamamagitan ng mga ilang sentimo lamang, ay kakamtan ninyo at lalasapin ang mga masasarap na bunga ng walang kapagurang pagpupuyat ng gumawa, at ng kaniyang mga matiyagang pakikibaka sa larangan ng mithing kalayaan, at ng kaniyang mga matiising pagod dili dili sa makasiam niyang pagkabilanggong laban sa mga pamahalaang kastila at amerikano, dahil sa kaniyang pagtatanggol sa mga katwiran at karapatan ng bayan. narito ang mga nasabing aklat: kasulatang ginto may sampung maririkit na kabanata: sangdugo. bagong araw. tatlong bituin. ang haring maliwat. malagablab na pag ibig. si nunong sinukuan, ang kaniyang mga tikbalang at mga tianak. labanan sa gubat. ang bangis ng panibugho. kakilakilabot na lihim.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
kahapon ngayon at bukas may pitong mahalagang kabanata: talimhagang paalam. ang libingan ni lakhang bayan. watawat ng kalayaan. ang mag inang bihag. pangakong mahigpit. maligayang kababalaghan. natupad ang tipan. may dalawang puo'anim na kabanata. kung sino si buhay. ang unang halik. si dining at si daluyong. dalawang halimaw. handa sa labanan. lumala ang ligalig. ang kapaslangan sa harap ng kabaitan. ang sulat ni dining. naglalamay na lahat. ang sundang na basa ng dugo. ang sigaw ng kasalanan. simula ng litis. tinubos ni marcial si buhay. tinubos ni buhay si marcial. saksing pipi. ang talas ng hukuman. ang paglagpak ni daluyong. ang kasinungalingan. ang katotohanan. ang buhok ni ester unang bahagi may sampuong makasaysayang kabanata: kidlat sa loob ng isang bahay. bagyo sa loob ng isang puso. simula ng kapaslangan. namitak ang pag ibig. ang tabil ni gloria. dinaig ng munting pipit ang lawing hari ng bangis. kahapon, ngayon at bukas. hapunan at talumpati.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
abogadong palaka, kupidong manok, haring alipin, ulupong na makabayan. dinagit ng lawin. ikalawang bahagi gumagalaw ang lupong. ang babaying lalaki. mabisang kamandag. ang halik ng bangkay. lagaring ginto. si juana at ang kaniyang kalapati. limang libong piso ang isang buhok. ang pagsisi ni dimas. ang himutok ni ester. bagong judit. ikatlong bahagi may sampung makasaysayang kabanata. singsing na katumbas buhay. ang sugo ng katarungan ay pumulas sa liwayway. ang dalawang bangkay ng isang buhay. hatol bitay. sa kuko ng kamatayan. muling nabuhay. sa harapan ng hukuman. ang paglagpag ni gerardo. ang sigaw ng kasalanan. ang mga may nais magkaroon ng mga nasabing aklat ay maaaring sumulat kay. hilario, mercado yanco, tabora int., san nicolas, manila,. kalakip sa loob ng sobre ang halagang kailangan, maging pilak, maging giro postal man, at maaasahang tatanggapin nila sa pagbabalik ng correo.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Aurelio Tolentino
hindi malalaunan ay ipalilimbag din namin ang mga nobelang na nga banggit sa likuran at marami ang humihingi sa amin.
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
mahal kong bago kang dumudungaw sa madawag na tahakin ng maliligoy at balabalahong landasin ng buhay; para namang tiniyap na ang pag ibig ng layas ay kasalukuyang nayayari sa aking diwa; at yamang di mapipigilan ang panahon upang sandali pang umidlip ka sa pinakamaligaya at pinagpalang panahon ng kawalan ng malay ay sinikap kong makasalubong mo at makaulayaw na agad ang salisalimoot na pangyayari sa aking upang iyong mapanalaminan at matiyak na agad ang bunga niyang mga hibo at anyaya ng pita na di kakaunting luha ang pinadaloy; di kakaunting kulang palad ang ipinasulat sa mahabang talaan niyang mga kahihiyan ng kapisanang ating pinakikipamayanan, at libolibong anak na. pagdaka'ulila pagka'walang amang matunton ang sa lahat ng dako ay nangaglisaw.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
tunghayan mo at pagaralang mabuti ang mga aral sa na di ko dadaliriin sa iyo kung alin at saan ang layon at tungo ng pinakabunsong bunga ng panitik ng nagmamahal mong amain; hangad ko sa gayon ang magkaroon ka ng ganap na kalayaan ng pagpili at paghalaw ng mapapakinabang na halimbawang nais mong tangkilikin. ang handog ko sa iyo'isang pagkain ng diwa; pagkaing iba'iba ang uri at lasa, lalong lalo na sa kakanyahan ng mga hugis, bikas at paguugali ng mga babai ng na tubo at mulat sa iba'ibang anyo ng kabuhayan, mga babaing may kanikaniyang likas na gawi na naghantong sa bawa'isa sa kanila, sa palad na iba'iba, na hangang libingan ay maghahatid sa kanila upang tabunang kasama ng kanilang katawan ang mga lihim na naghandog sa kanila ng maraming kapaitan, at tamis man, bakit hindi? nguni'iisang iglap sa piling ng walang pampang na kadalamhatian.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
matuto ka sanang magpakasiya sa alay kong ito sa iyo, nguni'huwag kang lalalo kailan man, at sa pagpili ng palad, na ito'na sa iyong kamay, pagka'pinagpala ka ni na binahaginan ng kaniyang kahilihiling ganda; at ni na di nagpabayang sa diwa mo'naggayak ng dakilang tanglaw ng talino, at ng mabuti mong tala na binigyan ka ng isang kalagayang di naman api; ang mga biyaya sanang iyan na kaloob sa iyo ng bathala natin kalakip ng pantas na hinuha sa handog kong ito, ay magamit mong isang mabuting paraan upang ang kaligayahan sa buhay na ito ay manatili sa iyong tahanan. kung magkagayon, ang binhi ng mabuting layon ay di nasabog sa kabatuhan, ang aking kapagalan ay di naaksaya, at mapasasalamatan ko ng boong kasiyahang loob ang sandaling ilinikha ko ng mga pangyayaring naging mapakinabang para sa iyo, libangan ng aking mga mambabasa at karagdagan sa panitikang tagalog na kasalukuyang pinayayaman. nguni'bago ko tapusin, nakikilala mo ba kung sino ang bayani ng hindi mo nasisinag?.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
ang kaniyang mga gawa, ay nagdaan sa mga mata mong noo'pikit pa. ang luha ng kanyang mga sinawi ay di miminsang pinahid ng mapuputi mong kamay, ang kaniyang mga sangol ay di miminsan mong iniwi, at kahit wala ka pang malay noon, ay ninasa mo nang bihisin ang mga hirap ng kanyang mga mater dolorosa . at magpatuloy ka ng pakikibaka diyan sa kaaway ng iyong damit na kung tawagin ay lalaki. huwag mong lilimuting sila'may pulot ng pangako sa bawa'pangungusap; may pang gayuma sa kanilang mga titig at may lakas at tapang upang panoorin kang kagaya ng isang sampagang luoy, na samyo at kulay man ay wala na. ang nagmamahal mong amain, . layo; layo alaalang malungkot. bayaan mong tumahimik yaring puso na tulad sa bangkay na walang karamdaman. bayaan mong yaring diwa ay malayang magyao'dito sa matitimyas na pangarapin; huwag mong balakiran ang aking mapayapang sandali, at yayamang nagugumon na rin lamang, ay bayaan mong maganap yaong kasabihan na: . oh pag ibig!
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
sumpain nawa ang sandaling ikaw ay dinamdam niyaring puso, yayamang wala kang nagawa sa akin kundi ang iwanan mo ako ng isang kaligaligang di magpatahimik. kay lupit mo para sa aba kong palad! naririto ako ngayon sa pinakamaligayang bahagi ng buhay. ang mga halamanang aking tinatahak ay panay na hitik ng bulaklak; pawang mababangong samyo ang kanilang ihinahatid sa akin saan mang dako ako humimpil; pawang masasaya ang kanilang kulay; busog sa pangako ng ligaya, at animo ba'sa ganitong kalagayan ang kamatayan ay di kabati. isang balitang di pinapansin. walang katunayan. may tago palang mga tinik ang mga bulaklak. ako'dinuro, ako'sinaktan, ako'binalisa. at isang sugat na di na mababahaw mandin ang kaniyang lagak sa akin. lunas ang aking kailangan. pag ibig ang dahil ng aking pag tangis, at pag ibig din ang mainam na pandampi.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
sinugatan mo ang aking puso, pinatangis mo ako at lagi nang pinabalong ang agos ng pighati; at nais mong ako'malunod at suminghapsinghap; nguni'ayokong tumangis, ayokong mamatay. magbuno tayo. at ano sa akin kung sa bisa ng aking matibay na tika ay maraming kalolwa ang maghingalo? humanda kayo. humanda kayo mga lipi ni eva; at daraan ang isang pusong walang karamdaman. panahon namang kayo ang magsiluha. ang buko bukong ito na nagsalimbayan sa hinagap ni maneng, ay ginambala ng pagtawag sa pintuan ng isang alila. kinabig ni maneng ang pintuan ng silid at sumungaw pagdaka, ang ulo ng utusan: isang binatang siksik ang katawan, maigsi ang liig, pungok at bilugan ang mga bisig, na tinutulutang mabilad ng mga mangas na maigsi ng kaniyang kamisetang halang halang ang guhit at itiman ang kulay. pagsungaw niya sa silid ni maneng ay inabot pa niya roon na nakasuot panghiga ang kaniyang panginoon. isang baro at salawal na magkabagay na kung tawagin ng mga bandiala ay.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
sangayon sa kintab at lambot na ipinamalas sa tuwing kikilos si maneng, ay mapagkikilalang yao'yaring sadya sa bombay at pawang sutlang pili ang ginamit at di man lamang sinalitan ng sinulid na bulak, gaya ng karaniwang nabibili sa mga naglalako, sa mga tindahan ng hapon. sa isang palalo at mayamang hihigang asana ay nakalatag pa at kuyamos ang isang manipis na kumot bilang pambawas ng init na dadanasin kungdi sasapnan noon, ang isang makapal na colchon na kulay sikulate at nasasabugan ng madidilat na bulaklak; ang mga unan ay naghambalang sa hihigan at isang hapag na mabilog ang kinapapatungang walang ayos ng bihisang kaipala'ginamit ng gabing yumaon. noo'umaga at boong sipag na nagmadali ng pagsikat ang araw, tanda ng mabuting panahon. ano ang ibig mo gorio? ang tanong ni maneng sa kaniyang utusan. iniabot po sa akin ni mang selmo ang liham na ito at pagkaramdam ko raw pong kayo'gising na, ay ibigay ko sa inyo agad. dalhin mo rito.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
si gorio ay yumaon pagkabigay ng sulat, tandang siya'di maaaring makapaglaon doon sangayon sa kaugalian. agad pinilas ang sobre. gayari ang kaniyang nabasa: maneng sa marilao tayo manananghali. nauna na kami ni yoyong. si nati at si mameng ay kasama ng nanay. malaong di nakaimik si maneng, na parang sinambilat ng isang karamdamang nakalilito ng diwa, niyang karamdamang sumisikdo sa ating puso kung ang kaba ay nagbabalita sa atin ng isang pangyayaring parang nakikinikinita. tiniklop ang sulat at isiningit sa isang aklat na nasa ibabaw ng hapag, binatak ang kahon noon at hinalungkat sa isang imbakan ng mga larawan, ang larawan ni nati. malaon sa gayon anyo na parang binabakas sa larawan ang dilag ng kapatid ni selmo, nang sa di kawasa ay parang ginising siya ng isang bagong munakala. minalas ang larawan, at binitiwan pagkatapos sa ibabaw ng aklat, na pinagipitan ng tinanggap na kalatas.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
naghilamos, nagbihis ng isang mambisang abuhin, pinigta ng pabango ang kaniyang barong pangloob, at isinukbit ang isang munting revolver na may puluhang nakar sa isang makisig na suksukan ng kaniyang pamigkis na katad. nang siya'lumabas sa kaniyang silid ay magalang siyang sinalubong ni biyang at aniya: nakahain na po. sa hapag na kainan na nasasapnan ng isang maputing mantel ay naka ayos ang isang mayamang almusal. ang usok ng sikulate na may taglay na bangong nagaanyayang ako'higupin mo ay namumukod sa sinag ng araw na nagtatagusan sa iba'ibang kulay na salamin ng kakanan, ano pa'animo'bahaghari na umaalon sa ibabaw ng hapag. lumikmo si maneng at nagmamadaling hinigop ang sikulate ng wala sa loob at kaipala'nasa ibang dako ang kaniyang ala ala. napaso na ako at sinabayan ng tindig na parang humihigop ng hangin upang mapawi ang init na nakapaso. si biyang ay napatanga sa takot na makagalitan. nguni'hindi man lamang siya pinagsalitaan ni maneng ng ano man.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
inabot sa sabitan ang kaniyang kodak at matapos na isakbat sa balikat ay lumulan sa isang auto na malaon nang naghihintay sa tapat ng pintuan. at sa kaniyang hinagap ay nagsasalimbayan ang malulungkot na tanawin. para niyang nakikita ang isang babaing napakaganda, kawiliwili, nguni'kakampi ni kataksilan at pinaglagot lagot ang tanikala ng pag ibig na sa kanila'naka bibigkis. sa isang dako'lalaboy laboy ang isang sangol na hiwaga ng ganda, ulilang ganap mandin; ang isang inang walang kalolowa, at amang walang puso. oh kay lungkot! nguni'paanong babalikan ang isang babaing pagkalipas ng isang panahon ng sumpaan ay nagtaksil? paanong babalikang muli ang salangapang na babai na naglaro sa kaniyang karangalan, naglustay na walang pakundangan ng kaniyang salapi at nagkait sa kaniya ng matimyas na sandaling magiwi sa kaniyang tangi at unang unang sangol? ang ala alang baka ang anak na ito ay hindi niya sarili ay nagpapasakit sa kaniya ng gayon na lamang. kulang palad na sanggol!
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
ang kawawang si maneng na patungo sa ligaya, ay batbat ng sakit; ito ang unang tinik na tumimo sa puso ni maneng nang siya'biruin ng pag ibig. gulong gulo si aleng tayang sa paghahanda ng babaunin sa marilao. ang mga kahon ng alak, mga bayong ng cerbeza, mga lata ng pansahog sa ulam, tangkal ng kapong manok at banlat ng litsuning bagong walay ay nakahanay nang lahat sa tabi ng pintuan at handang ilulan sa sasakyang kaipala'di na malalaunan at darating. sa kabilang tabi nama'nakahanay na rin ang dalawang malalaking tampiping yantok; nababastang gapos na gapos, para bagang ang damit na natitiklop na kaniyang iniingatan ay ibig na magpumiglas at itanghal nang agad ang kanilang dingal, gayon din ang kanilang maiinam na tabas. ang mga biik ay nagiiyakang parang mga sinumpa at animo'kanilang nakikita ang bunton ng baga na sa kanila'pagiihawan sampu ng duruan na nakahanda nang ituhog.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
ang mga kapong manok ay nagtutukaan, samantalang parang tanod na sa kanila'nagbabantay ng boong talino ang matangkad na na nakaupo at nakalawit ang dilang humihingal at palingas lingas. sa itaas; sa loob ng silid ng maringal na bahay nina selmo ay ibang iba ang mapapansin. si nati ay nakabalabal ng isang manipis na kimonong kulay burok at sa gilid ng mangas at liig hangang laylayan ay namumukod ang parang listong kulay kapeng giniling. mga bakas ng mabibilog niyang dibdib ang di magapi ng pamigkis niyang sutla rin na nagpapaliit na lalo ng maliit niyang bayawang na bumubukod sa malamang balakang na nagbibigay kintab sa sutlang balabal kung sapyawan at paglaruan ng simoy ng umaga na naglalagusan sa bintana. isang painitan ang kasalukuyang nagaalab at kinasasalangan ng dalawang sipit na bakal na pangkulot ng buhok. sangayon sa alab na walang liwanag ay mapagsisiyang ang gatong ay aguardiente na kaipala'yari sa alakang la copa ng masipag na industrial na si agapito zialcita.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
mag alis ka ng panyo mameng ang anyaya ni nati sa kaniyang pinsan na bihis na at nakalikmo sa isang dako ng silid. at parang utos na di matutulan ay ginampanan kaagad sanhing ikinabilad ng kaniyang mabilog na batok na animo'nagaanyayang. lumapit si mameng nang mainit init na ang mga sipit at kinulot ang maitim na buhok ni nati na noo'nakalugay. at sa ilang salang ay napaalon ang dating parang sutlang buhok upang mabigyan ng isang anyong lalong kahangahanga ang talaghay ni nati. kay ganda ni nati nang mga sandaling yaon! pinusdan ni mameng ang kaniyang pinsan ng isang pusod na napakainam, na maituturing na bagong likha, pagka'ang gayon ay di pa nakikita sa alin mang ulong babai. animo'isang magandang putong na sutlang itim na sinuksukan ng mga mariringal na pantoches at suklay na nahihiyasan ng batong nagkikinangan. si nati ay isang hiwagang ganda na malilikha lamang ng mga pangaraping diwa. animo'isang tala na nahulog buhat sa langit.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
ang kaniyang mga matang animo'dalawang duhat sa iitim ay binabalungan ng walang tilang pangako at yinuyunyungan ng malalagong kilay na tinitingala ng malalantik na pilikmata. sa kaniyang mga pisngi ay nanganganinag ang salisalimuot na ugat na iba ibang kulay sa magkabilang dako ng isang mahayap na ilong na binabagayan ng isang maliit na bibig na laging kinababakasan ng isang masayang ngiti. ang kulay ng kaniyang mga labi ay pinananaghilian ng saga na lalong nagpapaputi sa maayos na hanay ng maliliit na ngipin na manakanaka'dumudungaw kung siya'magsalita. sa kaniyang baba ay may isang maliit na puyo na tinutungkuan ng dalawang puyo rin ng kaniyang mga pisngi kung siya'tumawa. sa salaming nasa ibabaw ng hapag na kaniyang suklayan ay nasisiyahan siya sa magandang anyo na ipinakikita ng kaniyang larawan. ikaw naman mameng ang aking susuklayan ani nati na punong puno ng galak. at si mameng ay lumikmo sa dating kinauupuan ni nati.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
si nati ay lalong bihasa kay sa kay mameng sa gawaing ito, at kung di lamang sila ay may mabuting kabuhayan, ay kay inam nilang maging peinadora ng isang bantog na fotografia ng kay mariano gomez halimbawa. walang salang di pinagdayo disin. pinunggos ni nati sa kaniyang mahahabang daliri ang buhok ni mameng na kulay balat ng kastanyas, binahagi sa dalawa, na ibinukod ang dakong ibabaw sa dakong ilalim at saka ipinulupot ito sa isang bahagi, samantalang sinusuksukan ng maliliit na ipit na animo'buhok din na di matamaang malas. buhat sa gitna ay isinampay sa ibabaw pagkatapos malulon na parang sutlang namamadeha at isinipit ng mga ipit ding di nakikita, tinuhog sa magkabila pagkatapos ng dalawang pantoches na aniyong kukong kabayo na pawang perlas na mabibilog at sinalo sa dakong likuran ng isang suklay na media luna na nahihiyasan din ng dalawang hanay na batong lungtian.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
at nang yari na ay saka sinuro ang paligid ng pangulot hanggang sa boong kasiyahang nayari ang isang mainam na bukle . pagkatapos ng mahirap at matagal na pagsusuklayan ng magpinsan ay isinakbat ni mameng ang kaniyang alampay at hinawakan ang isang munting payong na kabagay at kakulay ng saya, baro at panyo na payak na bughaw. hinubad naman ni nati ang kaniyang balabal na kimono at sa isang iglap ay isinuot ang baro at panyo na nakahanda na. sa di kawasa'nakaringig sila ng isang angil ng auto kasabay ng tahol ng aso na nasa silong ng bahay. tumigil ang auto sa tapat ng bahay ni selmo at maliksing lumunsad si maneng. si aleng tayang ay nagmamadaling tumawag sa silid ni nati: ano ba kayo riyan? hindi pa ba kayo nakatatapos? tapos na inay. sandali na lamang ang tugon ni nati na papihitpihit na kasalukuyan sa tapat ng isang malaking salamin. nariyan na siya ang bulong ni mameng kasabay ng isang maliit na kurot kay nati.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
ang siya na binigkas ni mameng na parang bugtong ay nangangahulugan ng maraming bagay. si nati ay namula at hindi man lamang tumugon sa aglahi ng pinsan; wari may iniisip na mahalagang bagay na nakagugulo ng pagiisip; ang kaniyang puso ay sumasal ng sikdo hindi niya maturol kung sa galak sa isang hindi mahulaang bagay na mangyayari. si maneng sa kabilang dako ay lalo manding mabikas. ang kaniyang mga kilos ay pawang kahilihili. ang lungkot na wari'sumalubong sa kaniya pagkagising na, nang umagang yaon, ay naging parang ulap na itinaboy ng hangin. sinalubong siya ni aleng tayang ng boong lugod at si maneng nama'magalang na bumati. umupo ka maneng. sinabi na marahil sa iyo ni selmo na sila'nauna na. opo, aleng tayang; nguni'nagmamadali akong naparine upang ihandog sa inyo ang aking bwick . katakot takot na kagambalaan iyan maneng. talagang mauuna na sana kami. nakita mo na marahil na nakahanda nang lahat. dinamdam ko po sana ng gayon na lamang kungdi ko kayo inabot.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
hindi ko patatawaring kasalanan ang hindi dagliang ihandog sa inyo ang aking bwick. si selmo naman, hindi na ako hinintay ang bale. pinauna ko na si selmo at si yoyong upang makapagayos sila agad at datnan na natin nakahanda ang lahat ng walang kabalaman. ang malas ni maneng ay pasulyap sulyap sa silid na kinaroroonan nina nati at wari bagang nananabik na makita ang hiwagang ganda na hantungan ng kaniyang mga pangarap. nahulaan mandin ni aleng tayang ang nasa ni maneng at nang mapalugdan ang inaasam niyang mamanugangin, ay tinawag pagdaka si nati. ang pintuan ng silid ay nabuksan at ang magpinsan ay sabay na lumabas gaya ng mga artista sa isang tanghalan kung sabik na sabik na ang mga nanunuod. tumindig kaagad si maneng at sinalubong ang dalawang kagandahan dumarating. iniabot ang kamay kay mameng muna baga mang ang mga mata ay nasa talaghay ni nati.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
iniabot pagkatapos dito ang kamay at ang kanilang mga mata'nagusap ng lihim bagamang ang kanilang mga labi ay bumigkas ng bating panglahat. kay gaganda ninyo ngayon. mapalad ang mga matang sa inyo'makakita. naman si maneng ani nati. napakabulaan! ang salo ni mameng. at ang magpinsan ay nagtinginan. ang bwick daw ani aleng tayang ang sanhi ng ipinarito ni maneng. at nais ko rin po namang sa inyo ay makipagkita. talagang kay buti nitong si maneng ani mameng. buti na ba iyan?. siya ko lamang kayang ihandog kaya'malakihin na ninyo. tugtugin mo nga mameng yaong tugtuging sinasanay mo kahapon, samantalang ako'naghahanda ani aling tayang. at sinabayan ng tindig. sandali lamang maneng ang habol at nagpatuloy nang paglabas. si mameng ay lumapit sa piano, pinihit na sinukat ang taas ng likmuan samantalang ilinapit lapit naman ni maneng ang kaniyang likmuan sa kay nati.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
ang mga daliri ni mameng ay naghabulan sa mga tecla ng piano at ginising doon na nagsikip sa boong bahay ang isang marikit na tugtugin ni lohengrin. ang kamay ni nati na nakapatong sa kamay ng likmuan ay hinawakan ni maneng at ang init noon ay parang lumaganap sa kaniyang boong katawan. kay ligaya ko nati!. bakit maneng? may nababago bang bagay?. sa pagka'ako'nasa piling mo. maniwala ka; sa piling mo'hindi ko maala ala ang kamatayan, ang luha ay isang bugtong na hindi ko makakabati sa piling mo nati. kay palad ko kung loobin ni bathalang. ang piano ay patuloy na parang sumasaliw sa dalawang inaalo ni kupido. kung ang mga sumpa mo ay tunay maneng ay makaaasa akong ang langit ay dadanasin natin sa buhay na ito. may alinlangan ka ba nati? di ka ba naniniwala?. alinlangan ay wala. turan mo nati. isang piping bulong ang sa aki'hindi magpatahimik. maaari bang malaman? doon na natin pagusapan maneng. ang tugtugin ay natapos at si aling tayang ay muling nasok. nati, mameng.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
hindi pa ba tayo lalakad ay mainit na ang araw? at ang apat na kilala natin ay nagsilulan sa auto na naghihintay sa tapat ng bahay. sa pook ng mga mangingisda sa dakong ibaba pa ng bangkusay, sa isang bahay na namumukod na sadyang ipinatayo ni maneng upang maging pugad nila ni orang ay ibang iba ang kasalukuyang namamayani. mahigit na isang taon na doo'nagsikip ang ligaya sa pagsusuyuan. di miminsang si maneng ay inantabayanan nina gorio at biyang, nguni'hanggang umaga'di dumating ng bahay; pagka'kay orang natulog, doon tumunga at nagpakalasing sa mga alo ng kabataan. si orang ay isang magandang bulaklak sa halamanan ng mga kulang palad. ang kaniyang ama ay isang mangingisdang manlalasing; ang kaniyang ina ay kakambal mandin ng apat na hari nang ipanganak kaya si orang ay sa mga bahay pangingihan lumaki. ang kanyang kabataan ay namulat sa kanilang inuman na parang isang baklad, sa mga mangingisda, na siyang karaniwang namamayan sa mga pook na yaon.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
ang takalan ng anisado, ng ginebra at sinunog, ang pag gawa ng mga pulutan, ang panghalina sa mga mamimili na mga bandibandilaang papel na iba'ibang kulay na itinutusok sa mga suhang sungsong kung magpapasko, ay mga kasangkapan at gawaing hindi na niya ipinagtatanong. nang siya'tumatahak na sa pagdadalaga ay binigyan niya ng ibang anyo ang kaniyang tindahan. ayaw na siya ng mga manlalasing lamang ang kaniyang suki. nagbukas siya ng isang fonda tindahang ibang iba ang kahulugan ng pangalang hiniram sa mga kastila kay sa tunay na kahulugang ibinigay ng kaugalian. yao'isang tindahang munti ng talaghay ng may tinda, may isa ring munting hapag na kinahahanayan ng ilang pingang naguumapaw sa sari saring bungang kahoy, mga dalandan, dalanhita, siko, suba; mga bandeha ng sarisaring matamis, mga inumin gaya ng limonada, soda at iba pa, mga kakaning iba'ibang lasa na likha ng mga anak dukha lamang; at hindi kabati ng mga inalo sa duyan ng ligaya.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
hapon pa'parang nahahalina ang mga binatang hindi litaw sa bayan; mga anak ng pag gawa, mga kampon ng bisig at mangilan ngilang aralan na nagaaksaya ng kanilang panahon. mga bigkis ng tubo ang kanilang pinagaaliwan. may nagbibiyakan, may nagsusukatan, may nagtutuksuhan, may nagtutuktukan ng itlog, may naghuhulaan ng liha ng dalanhita, ng buto ng siko at iba'iba pang libangang pinaguubusan nila ng sandali hanggang lumalim ang gabi. hindi rin naman kakaunti ang nagmimiron at lumiligaw ng ligaw mata sa magandang kay orang. ang pangalang orang ay sumapit sa pangdingig ni maneng; noon ay kasalukuyang nababantog. at si maneng ay natukso. nahalinang kilalanin ang magandang fondista . at isang hapon ay di na nabuksan ang tindahan ni orang. isang magandang bahay na ipit ang nahalile at isang auto ang tuwina'nakatigil sa tapat ng bahay: ang auto ni maneng. buhat noon ay lalo nang palaging lango ang ama ni orang. natuto ng magmonte ang kaniyang ina at ang upo sa pangingihan ay lalong nagulol.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
hindi na umuupo sa poso poso kungdi sa peseta at piso buhat noon. nguni'ito'hindi naglaon at isang pakanang likha ng masamang nasa ang nagtanim ng panibugho sa puso ni maneng. ito'si yoyong, si yoyong na lumalangit kay orang nguni'di naman tinutumbasan. at isang araw nang hindi na yata niya matiis ang pagtatamasa sa galak ni maneng at ni orang, noon ay isinagawa ang kaniyang balak. sinulatan si orang ng matatalinghagang liham na tumutukoy ng iba'ibang panahon na parang tugon sa mga sulat ng birhen ni maneng. mga sulat na sa kahangalan ni orang ay iningatan at hindi ipinagtapat kay maneng, palibhasa'di niya tarok ang mga pangungusap na may dalawang kahulugan ni kung yao'dapat na matalastas ng kaniyang giliw. at ang mga sulat na ito'natuklas ni maneng nang si orang ay nagdaramdam at manganganak ng isang sanggol na bunga ng kanilang pag iibigan.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
ang panibugho ay nagtagusan sa puso ni maneng agad agad at pagkabasa ng mga sulat ni yoyong ay hinatulan pagdakang taksil si orang at di man lamang diningig ang kulang palad na binagsakan ng poot. dito siya nangaling nang gabing nagdaan at dito na nagsimula ang mali niyang pagsumpa sa lipi ni eva. nguni'si orang ay walang kamalay malay sa mga ipinararatang sa kaniya, at nasa banig palibhasa ay nanatili sa paghihintay na magkausap silang muli ni maneng. samantalang ang kulang palad na si orang sa sandaling pagiging ina niya sa anak ni maneng ay binagsakan ng poot noon nang walang kadahilanan at kasalukuyang linulunod ng luha at iniinis ng dalamhati; ang ina niyang walang kalulwa ay galit at nagtutungayaw sa pagka'walang pupuhunanin. buisit na lalaki iyan anya walang araw na di mo makikitang lasing na lasing. manong pagpasiensiahan na ninyo ang himaling ng tatay. wala na siyang aliwan kungdi yaon. kung ganitong wala akong mapuhunan ay hindi ko maala ala ang magpasiencia.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
ilinura ang sapa at ang habol. wala ka bang kualta diyan orang? wala akong mapupuhunan. may apat na piso pa rine nanay, nguni'wala na tayong ipamimile kung inyo pang pupuhunanin. (si orang ay nagsinungaling at di ipinagtapat na siya ay may natitipon.) bigyan mo ako kahit na dadalawang piso at kahiyahiya sa sumusundo sa akin; meron pa naman kaming concierto ngayon. mano nanay na huwag ka ng maglaro ngayon at alagaan mo na lamang itong inyong apo. oh tingnan mo nga'kay ganda ganda. tingnan mo nanay ang ilong at kay tangos tangos, walang pinagibhan sa ilong ni maneng. at siniil ng halik ang sanggol. nang mga sandaling yaon ay nasok ang matandang lalaki na hinog na hinog sa alak at parang baliw na nagsabi: ang ibig ko bang sabihin kung mayroon ay nagpapasasa at kung wala ay tumunganga. kung anoanong kaululan ang pinagsasabi nitong lasengong ito ang yamot na pakli ni aleng ninay. ibig sabihin ay malinaw ang isip.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
si simon ay parang parol na maraming langis; sa makatwid ang ibig kong sabihin ay maliwanag. maliwanag ang isip. tumahimik ka na nga'ako'hindi nakikialam sa iyo. baka paliwanagin pa kita. eh kung ayaw ka bang makialam sa akin. ang ibig kong sabihin eh. kerami mo namang ibig sabihin. kung natutulog ka ba'di mabuti. matulog; mabuti nga; nguni'ang ibig kong sabihin ay maghintay ka ng ulan kung wala ng tubig at sinabayan ng alis. ang ibig kong sabihin ay siyang palamuti ni tandang simon sa kaniyang pangungusap. ang dalawang pisong hinihingi ni aling ninay ay ibinigay ni orang at parang itinaboy ang babaing alipin ng apat na kaharian na di man napigil ng ligayang handog ng magandang apo. at si orang sa gitna ng mapait na pamamanglaw at pagmamalas sa sanggol ay tila nawawalan ng diwa at walang tigil ang pagdaloy ng mga unang luha ng puso.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
kahog na kahog si selmo sa pangangasiwa ng pagyayaman ng tahanang pagpaparanan ng ilang araw na liwaliw ng kapatid niyang si nati at ng binubuko niyang maging kapalad na pinsang si mameng. ang larawan ni mameng na siyang laman ng boo niyang diwa, yaong musmos pa'naging kalarolaro niya ng takip silim ng sungka, at sintak, ngayo'parang isang dakilang tanglaw na bumabalisa at nagpapasigla sa masusi niyang karamdaman. ang grupo ng magpinsang dalaga ay iniayos niya sa ibabaw ng isang mainam na consola at sa tapat noo'ginayakan niya ng isang maringal na kalangi ang isang malaking harong bombay na boong ingat niyang pinagyaman. si yoyong sa kabilang dako ay parang isang tunay na bihasa; iniayos sa magkabilang dulo ng galeria ang dalawang munting hapag at linigid ng tatlong taburete, para bagang sa kaniyang nasa ay dumudungaw na ang tunay na dapat pairalin sa mga lipuna'ang tatluhang umpok at di ang dalawa na siyang pinagbagay ng kalikasan at salinsaling panahon at paguugali.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
at sa loob loob niya ay nakatutupad siya sa isang kautusan ng moral na bagamang hindi pa naisusulat nino mang moralista ay dapat isagawa sa ating kapisanan na lubhang nagpapakasagwa sa pagsasarilinan at pagkakalayaan tuwi nang ang dalawa katao'magkaharap. ang sumagabal, ay isang mabuting gawa at isang bagong kabanalang kanyang itinuturing upang maingatan ang bini ng ating mga dalaga sa katampalasanan ng ating mga mapagsamantalang binata sa kasalukuyan.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
ang tahanang napili nina selmo sa marilaw ay natitirik sa gitna ng isang maaliwalas na halamanan sa dakong likuran ng balneario naliligid ng ilang ilang na nagdudulot ng samyo ng kaniyang malalabay na sanga na hitik na hitik ng mababangong bulaklak, sa dako roon ay mga puno ng atis at manga na naghahandog ng malaking lilim lalo na sa katanghalian: sa dakong hilaga ay sagingan na animo'gubat na mainam paglibliban ng lalong mahiwagang lihim ng pagibig; at sa pagpasok na ng tarangkahan ay iba'ibang kiyas na san francisco at begonia, na sa kanilang masasayang kulay ng dahon ay wari bagang talagang sumupling upang maging palamuti at makaakit sa lalong pihikang panauhin; ano pa'ang pook na yaon ay bagay na bagay pagaksayahan ng panahon ng mga liping iniwi sa kasaganaan. nang maiayos na ni selmo at ni yoyong ang tahanan ay nasisiyahan kapuwa na kanilang pinanood buhat sa lupa at hanggang sa lalong tagong sulok kung sila'may nakaligtaang di napagyaman.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
tila wala na tayong naligtaan ani selmo sa kanyang pinsan. wala na marahil? sampu ng mga gagamba na nangagbabahay sa mga sulok ng bintana ay nabulabog na nating lahat. ang akala ko'wala ng ibang kailangan kungdi ang magsidating na sina nati. maaga pa naman yoyong. tila lalong maigi ay iakiyat natin ang dalawang pilon ng malvarosa sa dalawang dako ng galeria . mainam nga at makapagdudulot pa ng masamyong halimuyak. at ipinatuloy ng dalawa ang mga huling pagaayos. samantalang ito'nangyayari ay sadaraan ang isang karretelang patungo sa maynila na kinalululanan nina binay. ito'isang magandang bulaklak ng bukawe, barrio ng. na patungo sa meykawayan upang dumalaw sa kanyang ama na may isang tindahan doon. siya'mulat sa paaralang bayan na likha ng bill gabaldon. sa kanyang madilaw na kasuotan ay nayaya ang malas ni yoyong na di napigil ang sabing: hoy, selmo. tingnan mo ang babaing yaon: kay ganda! at ang dalawa ay napatigil na ihinatid ng malas si binay.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
kasakay ng dalaga ang isang magulang nang babai at ayon sa kanilang anyo at kiyas ay angkan ng pag gawa; nguni'kabilang diyan sa mga taong marunong makibagay sa panahon, sangayon sa kaayusan ng kanilang bihis, kahit na pawang babarahin lamang at murang kayo at tapis na baliwag ang taglay na kasuotan ay bagay na bagay naman at pawang malinis. isang sayang may madidilat na guhit na dilaw at cafe na halang halang; barong madalang na dilawan din at may guhit na magkaagapay ang laylayan ng mangas, panyong malambot na sutlang baliwag na nakasampay sa balikat, ang kabuoan ay animo'isang kulliawang masaya, sa loob ng isang hamak na tangkal: ito ang bihis ng dalaga. kay inam ng bihis ni binay gayong kamumurang damit ay bagay sa kanyang siksik at bilugang katawan, balat na kayumangi at kulot na buhok. mga tagong bulaklak ng ating mga lalawigan. mga larawang nalalabi ng dalagang tagalog; mga buhay na sagisag ng kakanyahan ng ating lahi na ilinigaw ng bagong panahon.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
nawalay sila sa malas nina selmo nang lumiko ang karretela na kinalululanan. at ang dalawang magpinsan ay nagpatuloy pa din ng kanilang pag aayos. napakainam na tanawin ang idinudulot ng umagang yaon. ang mga taga bukid na nagluluas ng gulay na galing sa dakong kalookan, maypajo at gagalangin ay masisipag at boong tulin na ihinahabol ng panahon ang kanilang munting lako. bawa'isa sa kanila'kakikitaan ng ilang patola, pumpong ng sitaw, mumunting tangkal ng ibon, atis, at dalawa tatlong sisiw na bagong walay; puspos karangalan nilang tinutuklas ang pangagdog buhay.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
mayroon din naman sa kanilang nalahiran na ng pagdadaya ng malalaking tikma gaya halimbawa ng ginagawa ng ilan na namimili ng mga itlog ng manok na buhat sa sunsong na di kalugdan ng mga tagarito sa pagka'lubhang malansa, iniuuwi nila sa bukid upang buhat doon ay muli nilang iluwas sa maynila ng boong pagyayaman at ipagbile na gaya ng tunay na itlog ng manok bukid na lubhang pinaghahanap at inaabangan kung umaga ng mga may kayang kabuhayan. ang daya mandin ay talagang talamak na rine sa atin at sampu ng mga tagabukid ay nahahawa na. sino kaya ang may dala dine ng pagdaraya? ang mga insik nga kaya? hindi rin naman nagpapahuli ang maggagatas at magpapatis na may kanikaniyang talino sa pagbibile ng kanilang lako. ang maggagatas at magaalak ay magsingtulad sa dunong. ang maggagatas ay may tindang binyagan at hindi. ang binyagang gatas ay kasama na pati inumin ng mamimile. ang tubig ay nagagawa rin namang gatas! ang magaalak ay gayon din.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
ang magpapatis sa kabilang dako ay may dalang tatlo apat na sididlan ng patis na tangi pa sa isang galunggalungan na siyang pinakaimbakan; at kung dumating sila ng bayan at ang ninili ay nangangailangan ng patis malulos, malabon kabite kaya, ay maaasahan mo giliw na mambabasa na ang patis na gawa kahit na saang kamalig ng kapit bahay mo, ay magiging galing sa malulos, sa malabon sa kabite, salamat sa pagkabukodbukod ng sisidlan. ang hugos na parang agos ng mga anak ni pag gawa na tungo sa mga iba'ibang tikma gamlayan ay parang isang pelikula ng revista pathe na kung umaga ay masasala ng iyong paningin, ang mga trambia ay punuan at animo'talaksanan ng kahoy; kay dami ng nangagsabit na animo'panike, salamat at ang ating hunta munisipal ay nagising din at naglagda ng isang kautusan sa bagay na ito. matanda at bata, lalaki at babai ay maagang dumalo sa kanilang tuklasan ng buhay nang araw na yaon.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
ang mga karro ng tinapay ay humihinto sa bawa'tindahan at nagrarasion ng tinapay; ang mga karihan, bibingkahan at mga tindahan ng suman at sampurado ay pawang puno ng mga suki; gayon din ang mga magpuputo bungbong ay di makaagad ng pagluluto: badha ng sipag. subali'ang lahat ng mga tanawing ito ay di na inabutan nina maneng at tangi sa mangisangisang magbabakiya na buhat sa pulo at meykawayan at ilang mga dalagindeng ng panghulong ubando na nagtatawag ng: kalamay kayo sa latik diyan, ampaw, suman, atsara'puloot. na parang nagaawit ay wala nang iba pang makikita sa pagka'mataas na ang araw. ang matandang monumento ng mga kastila sa kanal de la reina sa pagakiyat ng tulay ng pretil ay gaya ng lahat ng lipas na bagay ay linulumot at parang isang tuod na nakatayo nang walang saysay. katapat pa naman ng libingan ng tundo na nakalapat din ang pintuan at aayaw ng tumanggap ng panauhin; bangkay ma'hindi na dumadalaw doon.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
naggugubat ang makapal na damo at mga kalasutse na naglalaganap ng isang samyo na nakaliliyo. ang monumentong yon marahil na labi ng yumaong panahon ng kastila ay itinayo doon upang magbantay sa mga kaloluwang nagmumulto at nagsisipanakot sa mga paniwalain. ang lipas na ring kamalig ng dating tren sa malabon na katungko ng libingan at ng monumento ay parang isang kasangkapang luma at puno ng kalawang. ang mahabang lansangan ng gagalangin na ngayo'juan luna ay tahimik na tahimik patag na patag at matangi sa nagpapapangit na mga sasabunging nangatutulos sa mga looban at sa mga pulupulutong na nagkakahig at nagbibitaw upang subukin ang kanilang mga tinali ay pawang kawiliwili ang handog na tanawin kung umaga.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
malalagong punong kahoy na nagbibigay lilim; mga sampalok at kamatsile na nagdidilim sa tataba; kawayanan sa dakong likuran ng mga bahay; mga mumunting kubo na halos dikit dikit habang nalalayo sa maynila ang nagtitimpalak ng karukhaan; para bagang ang kahirapan at pagsasalat ay di makalipat, natatakot at lumalayo sa kamaynilaan na siyang pinakamaringal sa boong kapuluan at umaapaw sa kasaganaan, salamat sa matalinong ng alkalde. nadaanan nila ang malalaking sabungan sa maypajo. yaong kalipunan kung linggo at pista ng ating mga tahur at magsasabong: punong puno ng panglaw at maliban sa maminsanminsang hunihan ng tuko at ng tilaok ng mga sasabungin ay walang ibang katangian. yaon ang malalaking baklad na pinapasukan ng boong tinipid ng ating mga manggagawa sa boong sanglingo. di iilang maganak ang pinatatangis kung natatapos ang sabong sa mga kamalig na yaon.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
libolibong mga mananabong ang pangagaling doon ay pigta ng pawis, malalim ang mata, at ang bulsa'baligtad; di kakaunti sa kanila ang di pa nanananghali. mga manok na pinakaalaga alagaang taunan ay duguan at nahinainan nang bitbit sa dalawang paa at parang idinayo lamang doon upang patain at ng magawang pakang. ang simbahan ng kalookan na napinsala ng mga digmaang yumaon, ay kababakasan pa ng mga tanda ng mga punglo ng kanyon na nagbuhat sa mga kastila na rin noong una at pagkatapos ay sa mga americano na pinamamahalaang kasalukuyan noon ng imperialismo. nadaanan nila ang sangang daan at kaaya ayang palayan magkabila na parang isang malapad na balabal na lungtian na doo'ilinatag ay nagsimula na. ang sikap ng mga tagabukid na pangbuhay sa mga taga bayan. kay inam na tanawin. ang mga maya ay nalalabugaw sa hagibis ng bwick at parang inaalon ang palayan at ang alikabok ay animo'usok na nagdidilim. ang tahulan ng aso na humahabol pa kung minsan ay namamayani.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
sinapit nila ang hanganan ng rizal pagkatapus na masampa nila ang tulay na matarik ng tinajeros at sandali pa'lupang bulakan na ang kanilang tinatahak. saloob na saloob ni maneng ang pagkakahawak ng manivela at ni hindi man lamang lumilingon kungdi manakanaka kung ang kurutan at tawanan ng magpinsan na parang kinikiliti na nakayayamot kay aling tayang, ay nakaaakit sa kaniya na tapunan ng sulyap na pinatatagos sa nandidilat niyang salamin. dumating sila sa meykawayan at ang monumento ni rizal na unang napansin ay inukulan ni nati ng tuligsa: tingnan mo, aniya kay mameng ang monumento ni rizal na yaon, tila isang kimpal na luad lamang. bakit ba naman pinintahan ng kulay putik. tinapunan ng titig ni mameng ang tinukoy ni nati at ang tugon: napakawalang sining ang komite na namamahala niyaon. napagkilalang malayo sa simbahan. wala kayang kabinataan sa bayang ito? malayo pa ba sa simbahan yaong halos katapat, ang salo ni aleng tayang.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
malayo po sa maynila ang ibig kong sabihin at nangagtawanan parang kiniliti. paano'kinurot na naman ni nati. napalingon si maneng at pinagmasdan ang monumento na palayo na sa kanila at di napansin ang isang karretela na kinalululanan ng dalawang babai na pasalubong sa kanila sa makipot na lansangan bago umakyat ng tulay. pinisil ang bocina ni ikong (ang chouper) na nasa siping ni maneng at umangil na parang isang malaking halimaw. ang kabayo ng karretela ay nagulat at nagalma at nang abutin ng malas ni maneng ay malapit na mabanga; at di na maiiwasan. pinatigil niyang biglang bigla ang makina; hinigit ng ubos lakas ang freno na nagngalit at nailihis din ng kaunti nguni'ang bwick. ang tilian ng mga nangakakita. ang bwick ay nabanga. salamat at hindi naman nasapol ang karretela. ang mga baras noo'nangabali, at napatid ang rienda.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
ang nagpapalakad ay gumulong sa lupa; ang kabayo ay nagtatakbo ding di napigilan at dala ang kapiraso ng karretela at guarnicion at ang dalawang babai ay nagkadaganan na parang dalawang balutang ihinugos. lumundag pagdaka si maneng at ang chouper. sinaklolohan nila ang dalawang babai na sa kabutihang palad, likha niyang mga himalang hindi maliwanagan kung bakit, ay hindi man lamang nangagalusan; nguni'putlang putla, parang dalawang bangkay sa laki ng sindak. walang malamang gawin si maneng sa pagsaklolo. bumaba rin si nati at si mameng na nagsidalo, samantalang ang cochero na parang sanay sa mga gayong pagkahulog, ay nagtindig, pinagpag ang alikabok sa salawal at baro, at hinabol ang kabayo na nahuli na ng mga taong bayan. hindi nalaunan at nagbalik na tumitika at dinadampian ang gasgas ng tuhod at mukha na kapuwa may dugo. dinala ni maneng pagdaka sa botika ng meykawayan at doo'tinapalan ng unang gamot na kailangan.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
dinukot ang kaniyang kalupi at itinala ang pangalan noon at dalawang dadalawang poing piso ang isinakamay ng kochero kasabay ng gayaring sabi: ito'sa mga unang gugol mong kakailanganin samantalang ang karretela mo'sira. at sumulat ng mga ilang talata sa isang tarheta ng gayari: sa karroceria meykawayan: ayusin ang karretela ng may taglay nito sa loob ng lalong madaling panahon. ang gugol ay ipasingil sa akin. at iniabot sa kochero na walang kakibokibo na nasiyahan mandin sa kabutihang loob ng ginoong kaharap. hinarap ni maneng ang dalawang babaing inaaliw ni nati at ni mameng at pinagbigian ng boong kasiyahan ng loob na pagmamatwid. ihinandog ang kanyang auto upang ihatid sa paroroonan ang dalawang babai; nguni'tinangihan ng mga ito sa pagka'malapit na rin lamang ang kanilang paroroonan. binigian din ng kanyang tarheta ang mga babai na dili iba'ang nakadamit kuliyawan na napansin ni yoyong at ni selmo. kinalag ni nati ang isang alfiler na imperdible at iniabot din sa babai.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
samantalang ang auto ay sinisiyasat ni maneng. ang ala ala pong yari ani nati ay magiging tanda ng ating pagkikilala. tinangihan ito ng dalaga; nguni'sa matimyas na samo ni nati ay tinanggap din at pinasalamatan. kungdi balisa si maneng napansin marahil niya na ang lulan ng karretela ay isang babaing hindi karaniwan ang ganda at gayon din ng imperdible na iginawad ni nati na di iba'ang kanyang sanla na taglay ang kanyang pangalan. at sila'nagpatuloy na parang walang anomang nangyari hangang sila'dumating sa marilao; pagkatapos siyasatin ni maneng na muli pa ang auto ay nagsabi kay ikong: dalhin mo ang auto sa estrella auto palace at kumpunihin ang tapa lodo at lagyan ng bagong lente ang parol.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
ang balita ng pagkakabangaan ng bwick at karretela ay siya na lamang halos napagusapan ng maganak sa unang pagkakatipon at masasabi, na walang ibang mahalagang bagay na nangyari; nguni'ang pagkasira ng tapalodo ng bwick at ang pagkabasag ng parol ay naging dahilan ni maneng upang magpalumagak, bagay na napaayos naman sa nasa ni nati na sila'magkaniig. sa kabilang dako, si aleng tayang ay isang inang di maingat, dahil sa talagang tapat na sa kaniya, na manugangin si maneng; pangalawa'parang di siya napapansin nino man at natatakpan siya ng dingal ng anak niyang bukod sa bata ay talagang maganda, kaya'para niyang ibinubunsod sa pagaasawa. sa magdadalawang taon na pagkabao ni aleng tayang ay mapapansin nang makasalanang mata ng mga mapagmalas, na higit pa sa dalaga ang kanyang kilos, sa nasa marahil na magasawang muli; nguni'wala pang nalalabuan ng mata na sa kaniya'nagmamalas sa piling ng talaghay ni nati at ni mameng.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
si selmo na sa kalakhan ng pagibig kay mameng ay di makapagsalita at parang napipipi sa harap ng pinsang kasambahay, ay nasisiyahan na sa mga salitang pangmaramihan, makaharap lamang siya ni mameng, at ang damuho namang si yoyong sa nasang makasabagal ay di humihiwalay kay mameng, bunso niyang kapatid na kanyang kinakatluang palagi upang pagharian ng moral sangayon sa kanyang pagkakilala. sa pagka'sila'lilima nang hapong yaon na nasa halamanan ay hindi namayani ang magtatlo tatlo, at ang kakaniyahan ng tao na pagkamakaako ay nakatulong kay yoyong na si maneng at si nati ay magkaniig upang si orang, ang magandang fondista ay malimutan ni maneng. sa silong ng isang matabang punong manga ay nagkaniig; nagkasarilinan si nati at si maneng at nang matiyak ng binata na silang dalawa'nawawalay sa malas ng tatlong magpinsan na di magkatapos sa balita ng bangaan ng auto at karretela, ay nagnakaw si maneng ng isang halik sa nakatungong si nati.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
bakit ba naman ganiyan ang malamyos na tumbas ni nati nakayayamot ka naman. sa ako'bulag na nati, sa ang kapangyarihan ni kupido ay siya na lamang nagpapagalaw sa akin, patawarin mo ako. pasasaan ba yaon maneng kung yao'mangyayari nguni'biglaw, hindi maaring mahinog kailan man. sa iyo at sa akin ay may malaking hadlang. at bakit nati? sino ang makapipigil? alin ang itinuturing mong hadlang? at di mo ba nalalaman? ibig mo bang sa akin pang bibig mangaling? pinapamamahay mo ako sa alinlangan. ang alin daw, kay inam mong mandudula, kay inam mong magmaang maangan hindi ka nga mahuhuli; nguni'sa harap ng katotohanan. sa harap ng katotohanang ano? liwanagan mo nga. kung ako'nagkamali nati ay talastasin mong marunong akong umamin ng kasalanan. ang pagsisinungaling ay kaaway ng aking ugali at makaaasa ka, paniwalaan mo nang walang agam agam na aaminin ko sa harap mo, kung aking kasalanan at tatanggapin ko ang iyong minamarapat na parusa, kahit na ikamatay ko ang katotohanan nang sinasabi.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
sinabi ito ni maneng ng boong liwanag na parang totoong totoo nga, at nang nagaalinlangan pa si nati, pagka'di umiimik, ay dinukot ang makisig na revolver at aniya: naririni nati, masdan mo. sa loob niya'mayroong limang magkakapatid na kambal. isa lamang sa kanila, ay labis upang matapos sa akin ang lahat. hawakan mo nga at gamitin kung inaakala mong kailangan. at iniaabot kay nati ang revolver. itago mo maneng, itago mo'ako'natatakot sa kasangkapang iyan. kung gayo'ipagtapat mo kung ano pa ang nakapipigil sa iyo sa anyaya kong tungain natin ang pulot at gata ng pagsusuyuan? yayamang nais mo maneng ay manainga ka: talastas mo marahil na ang ninanasa mo ay siya kong tanging karangalan sa buhay na ito at talagang talastas ng diyos, na sa iyo ko itinataan; subali'maari ka bang makapamangkang sabay sa dalawang ilog? ano ang ibig mong sabihin? ang pakli ni maneng. kaawaawa naman ako maneng, at papaano naman kaawaawa ka!.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
papaano siya ang ulit ni maneng kaawaawa ka sa pagka'hindi ako karapatdapat sa iyo marahil; sa pagka'may lalong mapalad na ibang linikha kay sa akin nati; nguni'sinong siya ang iyong tinutukoy? tumungo ang dalaga at ang daliri niya'iginuhit ang isang sa lupa. ano ang kahulugan niyan maneng? kung ganyang nagiisa ay nangangahulugang balon na pagbubuliran mo sa aking puso at pagibig na magkasamang diya'malulunod. nangangahulugan din naman ng gayari at itinundo ang kaniyang revolver sa piling ng malaking at ang kanyon ng revolver ay gumawa ng isang din nguni'maliit nga lamang. at ang patuloy: kung ang dalawang iyan ay magkahiwalay, ay kilabot ng kamatayan ang balita, nguni'kung magkasunod at sa mga labi mo mangagaling upang pikit matang tangapin ang aking luhog, yayamang si kupido, ang diyos ng pag ibig ay bulag din at di nakakikita, ay isang ligayang di maisasaysay, isang langit na walang kasing ligaya, isang kaganapan ng ating pangarap.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
nguni'maneng, kung ang ong iyan ay simula ng pangalan ng isang babaing umiibig at iniibig naman? umiibig at iniibig naman! ang ulit ni maneng na nag iisip ng imamatwid. oo; umiibig at iniibig ang patibay ni nati na waring nagtagumpay bagamang sa puso ay naghahari ang pangingimbulo. eh kung mapabulaanan ko ang paratang mo nati? maaasahan mong ningas ma'susugbahan ka kahit na ipaging abo ng boo kong katawan; nguni'sa kasawian ko ay hindi paratang yaon maneng. saan ka galing at hindi kita namataan maghapon, at magdamag halos ay hindi ka natagpuan ni selmo sa iyong tahanan? saan ka naparoroon? nalito ang isip ni maneng. hindi malaman ang isasagot. nasaling ang sugat ng kanyang puso. bakit hindi ka tumugon?. paano si orang? ang bulalas ni nati. tinutop ni maneng ang labi ni nati at anya: huwag mong dungisan ang mga labi mo ng pangalan ng isang hamak. huwag mong ulitin nati at babagsak sa akin ang langit.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
at yayamang nasalang mo na rin ang pinakamaantak na sugat niyaring puso ay pahintulutan mo ako na minsan pa'patunayan sa iyo na ang pagsisinungaling ay di ko kabati. at pagkapukol ni maneng ng malas sa boong paligid at napagsiyang hindi sila binabantayan nino man, ay sinimulan ang malungkot niyang pagtatapat. ang pook ng bakuran ay tahimik; ang hangin ay palaypalay na naglalampasan at pasasang humahalik sa kanilang mga noo; ang langit ay malinis at animo'isang bubong na bubog, kasalukuyang nangaguuwian ang mga ibon sa kanikanyang hapunan, at sa ulunan nila, ay palipat lipat sa sanga ng manga ang dalawang pipit na naghahabulan ng boong ligsi. nasa kolehio ka pa noon at ang kapisanan ay di pa nagkakapalad na sumilay sa iyong hiwagang ganda.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
Jose N. Sevilla
bago magbakasiyon ang mga nagaaral ay binawian ng buhay ang pinagpipitaganan kong mahal mong ama, na sanhi ng unang pagtatama ng ating malas na ikaw ay dalaga na, nguni'ang mata mo'pigta sa luha ang puso mo'iniinis ng sakit, kaya'wala akong nasabi kungdi: ako po'nakikiramay . at ang kamay mo'iniabot mo sa akin na tandang napasasalamat, bagamang ang mga labi mo'di pinulasan ni isang salita man lamang. nakasaklit ang kamay ko sa baiwang ni selmo, na tapat at mahal ko sa tanang kababata at hinahandugan ko ng aliw. kay lupit na kaugalian na naguutos sa atin, na sa mga gayong sandali ay magliponlipon; para bagang ang pagdamay na yaon sa kadalamhatian ng mga naulila at pinapanawan ng lalong pinakamamahal sa buhay ay dapat panoorin saksihan man lamang nino mang kaibigan kakilala.
0
1
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0
0